Umakyat ang parents ni Ardent pagkatapos kong kumain. Kinarga nila ang kambal at masayang inalala nang mga panahong baby pa sina Sir Arjon at Ardent. "Ayos ka lang ba, Beryl?" Napakurap ako at napatingin sa ginang. Kanina pa pala ako nakatulala. Matamlay ako. Siguro dahil naninibago ako sa lahat. Komportable naman ang pakiramdam ko dito sa kuwarto ni Ardent. Sobrang cozy, pero siguro dala na din sa pagod at stress kaya ganito. "Opo, Ma'am." "Tita na lang," sabi ng ginang habang nakangiti. "Huwag kang maiilang sa amin, okay? I want you to feel comfortable here." Tipid akong ngumiti. "Mahiga ka na lang muna diyan at matulog. Pagbigyan mo ang katawan mo," sabi niya nang mapahikab ako. Mukha naman silang mabait. Kagaya ni Ardent. Pero sana hindi nila ako nililinlang. Sinasayaw nil