Hindi na kami nakapasok sa loob ng bahay. Nag-aya na si Ardent na umalis. Nakatunganga lang naman ako. Naiiyak na nakatingin sa mga anak ko. Sasama ba ako? Ano'ng klase akong ina kung hahayaan ko ang mga anak ko sa kaniya? Bagong silang lang ang kambal and Precia didn't even know that Ardent was her Dad. Lord, I don't know what to do anymore. Hindi ko po kayang malayo sa mga anak ko. Napatingin ako kay Ally. Nakanguso ito. Halatang naiinis kay Ardent. Hindi ba sobrang unfair nito sa kaniya? Hindi ko siya matanong. Nahihiya ako at naguguluhan ako. "Mommy, let's go sa hotel daw sabi ni Ardent!" tawag sa akin ni Precia. Nakasimangot na tumingin sa akin si Ardent. "Hindi ka talaga sasama?" masungit niyang tanong. Naiiyak naman akong tumingin sa kaniya. Bakit ba kasi niya kami pinapak