Masaya na malungkot. Masaya ngunit nakakaramdam ng pagsisisi. My little girl. Gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin, pero hindi pa puwede. Pinagmamasdan ko siya habang nakikipag-usap sa isang bata pa. She's witty just like her Mom. Three years old na siya ngayon. Ilang taon ang na-miss ko sa buhay niya. Hindi ko naman puwedeng sisihin si Beryl, dahil kahit nalaman ko last year or sooner, tingin ko ay mas lalo lang magiging magulo ang lahat. Kung pinakilala siya ni Beryl. Kung pinatira ko sila sa bahay ko. Tiyak naman na guguluhin kami ni Ally. Nilapitan ko si Beryl upang tanungin ang tungkol sa aming panganay pero matabang siyang sumagot na anak lang niya ito. Kung hindi ko kamukha ang bata, baka maniwala pa ako. I look like her. She's my cute mini me girl version. "Who is he,