Hanggang sa makabalik na ako sa office ay nakangiti na ako. "Hala siya! Parang sira!" Mabilis kong tinikom ang aking bibig, dahil nakatingin na pala ang dalawang katabi ko. Napansin nila iyong malawak na ngiti sa aking mga labi. Kapag naiisip ko iyong nangyari kanina, hindi ko mapigilang mapangiti, mapangiwi at mapapikit. Nababaliw na nga yata talaga ako. Nakakairita! Kasalanan 'to ng lalakeng iyon, eh. Kung ano-ano kasi ang sinasabi niya. "Ano'ng nangyari?" Akala naman nila sasabihin ko sa kanila iyong nangyari? Dahil nakakaantok ang ganitong oras, nakiosyoso na din ang iba naming mga katrabaho. Instant celebrity talaga ako dahil sa kanila. Kaya dapat lang na hindi nila malaman iyong tungkol sa amin ni Mr. Hottie. Wala naman kaming relasyon kaya mas lalong ayaw kong malaman nila