Friday ngayon. Ibig sabihin ay ngayon din ako sasahod. Excited na ako sa unang sahod ko sa Clementine. I can't wait to treat Precia tomorrow. Ibibigay ko din ang kalahating buwan na sahod ni Ine. May iniiwan akong allowance sa kaniya na one hundred a day, pero hindi naman niya ginagastos dahil may stock naman ng pagkain sa bahay. Mag-grocery na din ako bukas. Maaga akong gumising ngayon, dahil kakain ako doon sa Japanese restaurant. Pagbaba ko ng bus, nagsimula na akong maglakad. Wala pang ayos ang aking mukha, dahil wala pa akong gaanong energy. Pero nag-liptint naman ako at naglagay na din ng concealer sa mga dapat takpan na part ng aking mukha. Habang naglalakad, palinga-linga ako. Napanguso ako at napailing, dahil bakit ako lumilinga? Baka puyat siya kagabi dahil nag-overtime