Bumalik ulit siya para sumilip sa akin, pero hindi ko talaga siya pinansin at inimik. Wala namang dahilan para pansinin ko siya. At hindi ko sure kung paano ko siya pakikitunguhan. As a boss? Wala kami sa kompanya. Ang bagal ng ikot ng oras. Gustong-gusto ko ng umuwi sa aking anak. "Gusto mo daw magbakasyon, Beryl?" Napatingin ako kay Ma'am Yunie. "Po?" "Habang naka-maternity leave ka. Magbakasyon ka. Japan, Singapore..." Nang makitang nakangiwi ako, tumigil siya sa pagsasalita. "Cebu, Palawan, Boracay?" "Hindi na po, Ma'am. Sa bahay lang po ako." Ba't kailangang mag-out of the country pa? Alangan namang iwan ko si Precia? Ngayon na naka-maternity leave ako, magkakaron ako ng time para maka-bonding ang aking anak. Makabawi man lang ako sa kaniya. "Sure ka?" Tumango ako. Magpa