Bumangon ako sa kama nang marinig ko ang iyak ng isang baby. Luminga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakitang baby sa loob ng kuwarto, kaya lumapit ako sa may pintuan. Ngayon ay mas malakas na ang iyak ng baby na naririnig ko. Nasa malapit lang siya. Nang buksan ko ang pintuan ay sumabog ang matinding liwanag sa buong paligid. Nasilaw ako kaya naipikit ko ang aking mga mata, kasabay ng pagtakip ko nito ng aking mga palad. At paglipas ng ilang minuto, unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Wala na akong naririnig na iyak ng baby. Hindi na din maliwanag ang paligid. It was dark. Wala akong makita. Sinubukan kong humakbang para lang madapa ako. Masakit! Masakit ang aking katawan na tumama sa matigas na sahig. Nasaan ba ako? Ano ang nangyayari? "Ah!" Nakaramdam ako ng saki