"Nagmamadali ako," sabi ko sabay irap sa lalakeng sumabay sa aking maglakad. Nakikipaghabulan ako sa oras kaya ang bawat hakbang ko ay sobrang bilis din. "Ang sungit mo naman. Ang aga pa, ah." Umirap ako. "Ano'ng maaga, pa-late na nga ako, oh. At bakit hindi ka pa magmadali diyan? Ma-l-late ka na din!" "Hinintay talaga kita. Isang linggo na tayong hindi nagkikita." One week na akong nagtatago sa kaniya. Ayaw ko ng magkita pa kami sa umaga at sa hapon. Minsan nag-o-overtime ako tapos nagbu-book ako ng grab ahead of time. Kapag oras na ng out ko, nakaabang na din siya sa akin sa labas ng kompanya. "Bye na! Hindi ako puwedeng ma-late. May incentive pa man din sa mga perfect attendance." Pagpasok ko sa opisina, naging instant celebrity na naman ako. "May bigay ulit ang admirers mo!"