Ang Tadhana na Narding Season 2 Ai_Tenshi Part 39: Kwintas "Kamusta si Ka-Andres?" ang tanong ko noong makabalik sa ospital. "Nasa kritikal pa rin ang kanyang kalagayan, ngunit kumpara kanina ay mas maayos na ito. Teka nasaan si Bart? Bakit hindi mo siya kasama?" ang tanong ni Cookie. "Wala sya roon sa bahay, tanging si Serapin lamang ang naka usap ko." sagot ko. "Oh kamusta naman?" ang pang uusisa nito. "Masama dahil hinamak niya ako mula ulo hanggang paa. Kesho siya raw ang perpektong kapareha para kay Bart. Kesho hindi daw bagay si Bart sa lugar na ito. Marami pa siyang sinabing pang hahamak, basta hindi ko nalang masyadong inintindi para hindi masakit." ang sagot ko. "Ibang klase talaga iyang si Serapin. Ibang iba sa nakikita ko sa telebisyon. Noong una ay