Ang Tadhana ni Narding Season 2 Ai_Tenshi Part 38: Perpektong Kapareha Sa pag daan ng mga araw ay pilit kong ibinalik sa normal ang aking buhay. Hindi ko masasabing maayos ako pero kahit papaano ay nagagawa ko pa rin ngumiti. Minsan ay hinahanap ko pa rin ang lumipad sa himpapawid o kaya ay mag lakbay sa iba't ibang lugar kapag ako ay nalulungkot o kaya ay nag iisa. Parang isang malaking kawalan at kakulangan ito sa aking pag katao at pakiwari ko ba ay hindi ako kompleto pag wala si Nardo. Ngunit gayon pa man ay ipinag palagay ko na lamang na tapos na aking misyon at ngayon ay hindi ko na ito kailangan pa. Para sa pag aaral, kapag nakatapos kana ay tiyak na hahanap hanapin mo rin ito pag dating ng panahon. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang mga katagang binitiwan ni Ser