Ang Tadhana ni Narding Ai_Tenshi Season 2 Part 35: Shiva Mabilis akong lumipad patungo sa siyudad. Pag pasok ko pa lamang dito ay wala kadiliman na ang sumalubong sa akin. Walang kuryente ang bulong lugar kaya kitang kita ang aking katawan na nag liliyab ere. Noong dumaan ako sa mga gusali ng evacuation area ay nag labasan ang lahat ng mga tao dito at doon ay nag palakpakan sila na animo nabuhayan ng loob. Ang iba naman ay isinisigaw ang aking pangalan habang napapa hiyaw sa sobrang tuwa. Patuloy ako sa pag lipad sa ere hanggang sa marating ko nga ang pinaka mataas na gusali doon kung saan nakatambay ang space ship na pag aari ng kalaban. Ito lamang ang bukod tanging umiilaw sa kabila ng matinding kadiliman kaya't ang lahat ay napapansin ito. Tahimik kong pinag masdan ang