PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Ang Tadhana ni Narding Ai_Tenshi Season 2 "Noong nakaraang linggo ay sinubukan ka niyang hanapin sa siyudad dahil nag aalala ito ng husto. Iyon nga lang ay nadamay siya sa pag sabog kaya't napinsala ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Kasalukuyan siyang ginagamot sa pribadong ospital doon sa bayan." ang malungkot na sagot ni papa. Part 34: Tuldok Noong mabalitaan ko ang nangyari kay Cookie ay agad kong inaya si papa sa ospital kung saan ito naka confi