PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Ang Tadhana ni Narding Ai_Tenshi Season 2 Part 30: Maligayang Araw Lumipas ang mga araw sa aking buhay. Wala namang pag babago, bagamat mas masaya ako ngayon dahil na rin sa lumalalim na samahan namin ni Bart. Madalas kaming nag kikita sa rooftop o kaya ay namamasyal sa plaza, kumakain sa labas at kapag may oras ay nag lilinis rin kami ng bakuran ng parokya. Sa mga simpleng bagay namin ipinapadama na espesyal kami sa bawat isa, at iyon ang nag bibigay ng kakaib