Ang Tadhana ni Narding Ai_Tenshi Season 2 Part 29: Espesyal na Puso Ilang linggo matapos ang malagim na engkwentro kay Lushvak at sa kanyang mga alagad. Unti unting bumangon ang aming bayan. Maraming dumating na tulong mula sa iba't ibang lugar kaya't mabilis na nagawan ng paraan ang problema ng mga taong nawalan ng kabahayan dahil sa matinding pag baha at kabilang na nga doon ang bahay namin na walang natira kundi mga putik at haligi lamang. Halos lahat pamilyang naninirahan sa aming bayan ay nasalanta kaya't ang iba ay nasa evacuation area pa rin hanggang ngayon. Tungkol naman kay Bart, nakarecover na ito mula sa pag kakabaril sa kanya at kasalukuyan siyang tumutuloy doon sa kombento. Mag buhat noong matapos ang sagup