Ang Tadhana ni Narding AiTenshi Ganoon kabilis ang pang yayari, nakita ko na lamang na nahulog ang katawan ni Bart sa lumalalim na tubig sa buong paligid at kasabay noon ang pag kalat ng kanyang dugo rito. "Bart!! Baaarrrttt!" Part 28: Ang Asul Bulalakaw "Ayy papa Bart!!!" ang tili ni Cookie. Samantalang ako naman ay hindi na nag dalawang isip. Tumalon ako sa tubig na noon ay kasing lalim na ng leeg, agad kong kinuha ang duguang katawan ni Bart at ganoon din si Cookie na naka kapit sa poste para di anurin. Pataas ng pataas ng tubig sa paligid hanggang sa ilubog na nito ang mga kabahayan, mabuti na lamang dahil alerto si Mayor at nag laganap na ito ng mga emergency boat at life jacket para sa mga taong bayan ayon na rin sa banta ng kalaban na ilulubog an