Ang Tadhana ni Narding Ai_Tenshi Part 16: Sayang na Pagtingin Mabilis ako lumipad sa ere upang puntahan ang kulay dilaw na bulalakaw na bumabagsak mula sa kalangitan. Ngunit ang nakapag tataka ay noong makalapit ako dito ay bigla na lamang itong nag lahong parang bula. Napahinto ako sa pag lipad at maigi akong luminga linga sa paligid pero wala talaga. Para lamang akong pinakitaan ng aparisyon o kung ano man iyon. Pag baba ko sa lupa ay agad ako ng palit ng anyo bilang si Narding at mabilis na pumasok sa aming silid kung saan nag hihintay si Cookie na noon ay nag aalsa balutan na. "Anong nangyari? Naitulak mo ba palayo ang bulalakaw?" tanong nito Umiling lamang ako "hindi eh, bigla na lamang itong nag laho noong lapitan ko. Teka bakit nag iimpake ka ng mga damit?" pag tata