Ang Tadhana ni Narding Ai_Tenshi Nov 10, 2016 Part 17: Pangitain "Kamusta ang pakiramdam mo tol?" ang tanong ko kay Estong noong bumalik ang malay nito. "Ayos naman ako, a-anong nangyari?" ang tanong nito. "Wala ka bang matandaan?" tanong ko ulit. "W-wala tol, basta ang alam ko lamang ay nag dilim ang aking paningin habang tumataya ka doon sa pares pares at pag katapos ay hindi ko na alam ang mga naganap." sagot niya. "Alam mo Estong, nag bago bigla ang iyong.. ummmpphh" ang sabad ni Cookie kaya naman tinakpan ko ang kanyang bibig. "Ang ibig sabihin ni Cookie ay biglang nag bago ang pakiramdam mo, nahilo ka at nabagok sa lupa. Kaya naman agad ka naming isinugod dito sa ospital." paliwanag ko. "Ganoon ba, s-salamat sa pag aasikaso sa akin. May utang nanaman ako sa inyo