Ang Tadhana ni Narding Ai_Tenshi Part 10: Bagwis ng lagim BREAKING NEWS: "Anim na pulis ang natagpuang patay sa bukirin ng barangay Bato bato sa bayan ng Dinangkalan kaninang umaga. Ang mga naturang biktima ay wala nang lamang loob at gutay gutay ang mga katawan. Hinihinalang isang mabingis na hayop ang gumawa nito na hanggang ngayon ay nakakalaya pa rin sa liblib na burikin ng naturang bayan. Pinapayuhan ang lahat na mag ingat at ikandado ang inyong mga bahay pag kagat ng dilim." "Aswang yung gumawa niyan! Pinatay niya yung mga pulis na rumesponde kagabi." ang takot na salita ni Cookie habang nag hahain ng pag kain. "Walang aswang no, baka naman salamin lang ang nakita mo at napag kamalan mong aswang ang sarili mo." ang hirit ni Angelo at nag tawanan mag iina. "May as