Part 9: Ang Pag ibig ni Cookie

2580 Words
Ang Tadhana ni Narding Ai_Tenshi                 Part 9: Ang pag ibig ni Cookie   "Ibang level naman kasi ang kayabangan niyang si Bart eh. Alam naman niyang hindi aayon sa kanya ang kabilang compound ay sumugod pa rin ito. Makitid talaga ang utak niya , daig pa nya ang nasa isang gera na siya lang ang tanging lumusob sa kampo ng kalaban. Gago talaga, tungakerz pa." ang salita ni Cookie habang patungo kami sa Center kung isinugod si Bart.   "Likas naman talaga dyan kay Bart ang pagiging mainitin ang ulo kaya't parati siyang napapahamak. Pilit kasi niyang pinaninindigan ang pagiging astig at tigasin, ang akala naman niya ay katatakutan siya ng lahat."   "Tama ka dyan Narding, sabi nga nila ay mabangis man daw ang hayop ay nakaka hanap rin ng katapat. Kaya ayan, yan ang nangyari kay papa Bart. Luz valdez, ligwak ang beauty nya sa top 5." ang hirit ni Cookie.   "Puro ka kalokohan dyan e, bilisan na natin ang lakad para makarating tayo agad doon sa center." pag aapura ko naman.   "Alang alala ka naman. Daig mo pa si Nora Aunor sa pelikulang Bona." ang pag aasar pa nito.   Makalipas ang ilang minutong lakaran narating namin ang center kung saan nga dinala si Bart na nasaksak nanaman sa ikalawang pag kakataon. "Excuse me po, nasaan yung lalaking nasaksak kanina?" entrada ni Cookie noong makapasok kami sa loob.   "Kamag anak po ba kayo sir? Nandoon po sa loob ginagamit pa ni doktor Esquivel, doon nalang po kayo mag hintay sa waiting area." magalang na wika ng nurse kaya naman wala kami nagawa kundi ang mag hintay nalang.   Ilang minuto ang lumipas bumukas ang pinto at doon ay lumabas ang doktor. "Doc, excuse me po, kamusta po yung pasyente? Yung nasaksak po." magalang na tanong ni Cookie dahilan para humarap sa kanya ang doktor at nagbitaw ito ng matamis na ngiti.   "Shet ang gwapo.." ang bulong ni Cookie na akin na parang hihimatayin sa kanyang kinatatayuan.   "Ah si Mr. Bartolome? Okay na siya, mababaw lang naman yung sugat sa tiyan niya kaya't mabilis ko itong naagapan." sagot ng doktor pero si Cookie naman ay naka tulala pa rin. "Are you alright?" ang tanong pa niya.   "Yes, ang gwapo mo kasi e, natutulala ako." ang malanding salita ni Cookie. "Whats your name boy?"   Natawa ang doktor at nag pakilala ito. "Gary Esquivel, taga doon ako sa kabilang bayan, nandito lang ako para mag bigay ng libreng check up at gamot sa mga kababayan nating naapektuhan ng pag lindol noong nakaraang linggo."   "Wow, ang husay nanaman pala. Im Cookie, Miss Gay Barangay 2016. Nice to meet you Doc. At siya naman si Narding pinsan ko." Ang maarteng pag papakilala nito na parang matataeng ewan.   "Nice meeting you Miss Cookie. Paano, see you around, marami pa akong pasyente doon sa harap. Pwede nyo nang lapitan yung kaibigan nyo." ang naka ngiti pa ring sagot ng doktor.   "Thank you doc. Hay naku cousin mainam pa ikaw nalang ang mag punta doon kay Bart. Sige pumasok kana doon sa loob." ang wika ni Cookie sabay tulak sa akin.   "Eh teka muna, saan naman pupunta? Akala ko ba gusto mo makita si Bart?" tanong ko.   "Wala naman akong sinabing ganon, ang sinabi ko lang gusto kong makitang sugatan si Bart at nag aagaw buhay, ngayong magaling na siya ayoko na siyang makita.. Sige mag hihintay nalang ako doon sa labas."   "Nakupp, ang sabihin mo susundan mo lang si doc Esquivel doon sa labas."   "Ang dirty naman ng mind mo cousin. Dyan ka na nga." ang salita nito sabay lakad sa direksyon kung saan nag punta ang kinababaliwang doktor. Samantalang ako naman pumasok sa kwarto kung saan naroroon si Bart. Gising na ito at naka pako lamang ang tingin sa kisame.   "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko ngunit hindi siya sumagot bagkus tumaligid lang ito patalikod sa akin na parang isang batang nag mamaktol. Marahil ay dinaramdam nito ang muli niyang pag katalo sa rayot na pinasukan. "Mabuti na lamang at hindi ka napurohan. Nandoon yung mga kabarkada mo sa presinto, nakipag rayot din sila para mainganti ka." ang wika ko pa ngunit wala akong sagot na nakuha mula dito.   Tahimik..   Napabuntong hininga na lamang ako dahil mistulan akong isang baliw na nag sasalita mag isa bagamat alam ko naririnig naman niya ang aking sinasabi.   "Nag mamalasakit lamang ako saiyo Bart, huwag mo sanang bigyan ng kakaibang kahulugan ang mga bagay na ipinapakita ko. Nais ko lang malaman mo na hindi sa lahat ng oras ay katapangan ang sagot para masulusyunan mo ang bagay na nais mong solusyunan. Kadalasan ang sobrang katapangan ang siyang nag papahamak sa atin. Kahit sa mga pelikula, kung sino ang matapang ay siyang unang namamatay sa digmaan dahil sila ang sumusugod ng hindi nag iisip. Huwag mo na sanang hintayin na yang katapangan mo ang siyang tumapos ng buhay mo." ito ang huling katagang sinabi ko kay Bart bago ako mag pasyang lumakad palabas ng kanyang silid. Wala rin naman kasi akong makukuhang sagot dito dahil pakiramdam ko ay nayurakan ang kanyang pag kalalaki sa nangyari pag katalo.   Pag labas ko sa center ay nakita ko naman Cookie na tinutulungan si Doc Esquivel sa pag aasikaso ng mga naka pilang pasyente para sa gamot. Mukhang mahusay din mag ninja moves itong pinsan ko dahil nag papakitang gilas ito sa doktor. Kung tutuusin ay gwapo naman kasi si Doc, matangkad, maputi at maamo ang mukha. Parang santo at kagalang galang ang kagwapuhan niya kaibahan kay Bart na halatang taga kanto dahil sa kilos at pananalita nito.   "Hoy Cookie, uuwi na tayo." pag tawag ko.   "Ano ka ba cousin, halika muna rito at tulungan natin si Doc. Mamaya na tayo umuwi tutal ubos naman na yung paninda natin." pag pigil ni Cookie na parang isang asong nag mamakaawa ang mata. "Please, para sa kaligayahan ko to. I think this is love." saad pa nya.   "Love? Agad agad? Wala pang isang oras ahh. Ano yang puso mo rekta? Pag naka kita ng gwapo love agad?" tanong ko naman.   "Masisisi mo ba ako kung ito ang nararamdaman ko? Diba ako'y tao lang na nadadarang at natutukso rin, mai-aalis mo ba sa akin na matutunan siyang mahalin sa bawat sandaling hiram namin." ang seryosong salita nito.   "Ano pa nga ba magagawa ko, sino ako para humadlang at sino ka naman para kumanta pa." biro ko naman at doon nga ay tinulungan namin si Doc Esquivel sa pag aasikaso sa pasyente. Hinayaan ko na rin si Cookie sa nais nyang gawin lalo't alam kong masaya ito.   Halos inabot kami ng gabi sa pag bibigay ng gamot sa mga tao, syempre napagod ako at kaibihan naman kay Cookie na pumapalo pa rin sa 100% ang sigla na parang naka langhap ng extacy. Syempre bilang pasasalamat ay inilibre kami ni Doc ng hapunan sa isang fast food at sinabi rin niya na ihahatid kami pauwi sa aming compound. "So ang ibig mong sabihin ay mahigit sampung taon na iyang pag kakapilay ng paa mo? Naaksidente ka ba?" tanong ni Doc sa akin.   "Opo doc, napilay ito noong maaksidente kami mama. Nag kakagulo kasi noon sa siyudad at nag kakabagsakan ang mga gusali dahil sa pag sabog. Hindi sinasadyang nabagsakan kami ni mama sa opisinang pinag t-trabahuhan niya. Si mama ay nalibing ng buhay at ako naman ay milagrong nakaligtas. Basta ang alam ko lang ay isang taong nag malasakit na sagipin ako sa loob bumagsak na gusali, mag buhat noon ay hindi na ako nakalakad ng maayos." ang salaysay ko.   "Ang alam ko noon ay nag karoon ng malakas na lindol na siyang gumiba sa daan daang gusali dito sa siyudad. Isa ka pala sa nabiktima at ikinalulungkot ko ang nangyari sa mama mo. Pero anyway, hayaan mo dahil ipapasuri ko sa mga kaibigan kong doktor ang binti mo, baka sakaling mapagaling na natin." naka ngiting wika nito   "S-salamat po doc. Sana nga po gumaling na ako. Namimiss ko na nga rin lumakad ng walang saklay."   "Hayaan mo Narding, titingnan ko ang magagawa ko." ang wika naman nito.   "Bongga ka talaga Doc! Kaya winner na winner ka sa puso ko. Eh ako po ba kung sakaling mag papa kabit ng boobs at petchay mag kano kaya ang aabutin?" seryosong tanong nito.   Natawa ang doktor "alam ko Cookie hindi pa naman ganoon ka high tech ang facilities ng ating mga ospital dito sa bansa upang masuportahan ang s*x change transplant na nais mo. Pero kung gusto mo talaga ay mayroon akong mga kaibigan sa ibang bansa na nag sasagawa ng ganoong klaseng operasyon. Siguro ay aabutin iyon ng mga 300 thousand o higit pa." paliwanag niya dahilan para maibuga ni Cookie ang kanyang iniinom   "Ang mahal naman doc, mag titiis nalang muna ako sa tinapay na palaman sa dibdib at sa tape na pang ipit upang di bumukol si manoy." salita ni Cookie.   Tawanan..   "At hindi lang mahal, delikado pa iyang nais mo. Maaari mong ikamatay ang s*x change. Kaya nga ang ibang nais sumailalim dito ay dumaraan muna sa mga psychological test at iba pang mga pag susuri." dagdag pa nya.   "Mahirap pala no? Pero okay lang naman sa akin tong ganda ko. Hindi naman kailangan ng ganoon kalaking enhancement." biro pa ni Cookie dahilan para matawa ang doktor.   Habang nasa ganoong pag uusap kami ay napukaw naman ang aming atensyon sa isang balita sa telebisyon kung saan ipinakikita ang mga gutay gutay na katawan ng tao sa iba't ibang lugar. "Sunod sunod ang natatagpuang patay sa iba't iba parte ng ating lungsod. Kahapon lamang ay 5 bangkay ang namataang nakahandusay sa mag kakaibang barangay. Ang lahat ay halos buto na lamang ang natira, wala na ang mga lamang loob ng mga ito at pinag gutay gutay pa ang mga katawan. Ang dalawang bangkay ay bata lamang na nasa 10 taong gulang at ang iba naman ay may edad na. Gawa raw ng aswang at manananggal ang karumaldumal ng krimeng ito ayon sa paniniwala ng kaanak ng mga biktima. Ang iba naman ay naniniwalang gawa ito ng mga sindikato na kumukuha ng lamang loob ng tao upang ibenta. Samantala patuloy pa rin ang imbestigasyon ng otoridad sa mga naturang insidente."   "Grabe naman iyan, hindi na tao ang gagawa ng ganyang bagay dahil masyado itong brutal at marahas." komento ko naman.   "Im sure mga sindikato iyan. Diba ginagawa ang tulay doon sa kabilang bayan, siguro ay ginagamit nila ang mga dugo at laman ng tao pang halo sa semento. Sabi kasi ng matatanda ay pampatibay ng pundasyon ng tulay ang mga dugo ng tao" paliwanag ni Cookie.   "Kung ano man iyan ay dapat tayong mag ingat. Ang mabuti pa siguro ay ihahatid ko na kayo doon bahay ninyo dahil gabi na, tiyak na nag aalala na ang pamilya nyo." pag yaya ni Doc.   "Teka muna doc, maganda yung balitang showbiz." pag pigil ni Cookie habang naka tutok sa tv.   NEWS: Samantala, balitang showbiz naman tayo. Sikat na modelong si Serapin, nag hahanda na sa pag sabak sa international modeling...."   "Grabe ang gwapo talaga ni Serapin hano? Napaka perfect niya. At alam nyo ba na matalino rin iyan dahil academic excellence sya noong college. At talagang nag mula sa mayamang angkan. Hay napaka swerte talaga niya, nung nag sabog yata ng biyaya ang Diyos ay sinalo niya lahat." wika ni Cookie habang sumasakay sa kotse ni Doc.   "Hindi ko alam na fan ka pala ng modelong si Serapin?" pag tataka ko naman.   "Oo naman, super fan niya ako. Kapag may guesting siya sa tv ay palagi kong inaabangan. Iba talaga kasi ang karisma niya at napaka lapit pa niya sa mga tao." lalong pag hanga ni Cookie.   "Natural naman at celebrity siya. Mahalaga ang image sa mga taong public figure. Iba ang mga taong ganyan sa harap ng camera at maaaring iba rin sa totoong buhay." komento naman ni Doc habang patuloy sa pag d-drive   "Kung sa bagay, saka bakit titingin pa ko kay Serapin kung nandito naman si Doc Esquivel diba? Ayyyyyy!!!" ang tili ni Cookie noong biglang mag preno ng malakas ang doktor.   "Arekup, nabale yata ang ilong ko." pag mamaktol nito.   "Doc ayos ka lang ba? Bakit bigla kang nag preno dito sa tabing bukid?" tanong ko naman.   "May nakita akong malaking ibon dumaan ito sa harapan habang nag d-drive ako." ang sagot nito.   "Nakuupp umalis na tayo ditey!! Aswang yan!! Sure ako!!" natatakot na sigaw naman ni Cookie kaya naman agad din pinaandar ni Doc ang sasakyan.   "Screttchhhh!!" ang tunog nito noong umabante kami. "Ayaw tumakbo, parang may mabigat na kung ano sa bubong!" ang wika ni Doc at doon nga ay biglang umuga na ang aming sinasakyan kasabay nito ang malakas na pagaspas ng pakpak mula sa itaas.   "Manananggal!! Aswang!! Ayoko pang mamatay!!" ang iyak ni Cookie samantalang si Doc Esquivel naman ay pilit inuusad ang kanyang sasakyan.   Patuloy kami sa pag uga hanggang parang umaangat na nga ang kotse sa lupa. Kasabay nito ang pag labas ng malaking pakpak ng paniki sa aming bintana. "Aswang nga!! Aswang ang nasa itaas!!" ang nangangambang salita ko bagamat nais ko nang lumabas ng sasakyan at mag palit bilang si Nardo.   "Mamatay na tayo!! Mamatay naaaaa!!!" ang iyak pa ni Cookie na parang aatakihin na sa puso.   "Sandali lang, huwag kayo mag panic." ang wika ni Doc sabay kuha ng baril sa compartment ng sasakyan at mabilis pininutok ito sa bubong ng kanyang kotse. Dalawa hanggang tatlong putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kapaligiran samantalang kami naman ni Cookie ay nag takip nalang tenga.   Maya maya ay muling lumapag ang aming sinasakyan sa lupa kasabay noon ang malakas na pagaspas ng pakpak na aming narinig hudyat na umalis na ang aswang sa bubong ng kotse at mabilis itong pinaandar ni Doc upang makatakas. Lahat halos kami ay binalot ng kaba at matinding kaba at takot habang palayo sa masukal at liblib na lugar na aming dinaanan.   Noong makarating kami sa highway agad kaming nag report sa istasyon ng pulis at dito nga ay sinuri nila ang mga kalmot at gasgas bubong ng sasakyan ni Doc Esquivel. "Siguro ay mabangis na hayop lamang ang umatake sa inyo doc." ang wika ng isang pulis.   "Mabangis na hayop? May pakpak ito at may mahabang kuko. Naiangat pa nya ang sasakyan sa ere. Paanong mabangis na hayop iyon? Aswang iyon! Mandaragit!" ang iyak ni Cookie na natatakot pa rin.   "Aswang ba kamo?" tanong ng mga pulis at nag tawanan ang mga ito.   "Walang aswang sa panahon ngayon. Baka naman mga lasing kayo o kaya ay naka singhot ng katol" ang natatawang salita ng mga ito.   "Hindi kami lasing no at lalong di kami mga drug addict. Paano nyo ipapaliwanag yung mga sunod sunod na krimen dito sa bayan natin?" tanong Cookie   "Yung mga krimen nitong mga nakalipas na araw ay gawa ng mga matataas na sindikato. Ang ilan sa kanila ay nadakip na namin kaya nakatitiyak kami na mababawasan na ang karahasan dito sa bayan." katwiran nila.   "Ganoon ba Chief, kung ganoon ay irerequest ko nalang na mag padala kayo ng mga pulis doon sa liblib na sabana malapit sa bukid, kung mabangis na hayop nga ang umatake sa amin ay mas mabuting mahuli ito bago pa maka biktima ng iba. Tama ba?" ang wika ni Doc Esquivel   "Papunta na po sila doon upang mag imbistiga sir."   "Mabuti naman kung ganoon. Narding, Cookie ihahatid ko na kayo sa inyong bahay. Lumalalim na ang gabi, delikado sa daan." pag yaya ni Doc kaya naman hindi na kami nakipag talo pa sa mga pulis.   Ang bagay na nasaksihan namin ngayong gabing ito ay higit pa sa kababalaghan. Wala naman ni isa ang naniwala sa amin at ang ilan sa kanila ay pinag tawanan pa kami. Ngunit gayon pa man alam kong kailangan kong gumawa ng paraan upang maitaboy ang masama elementong iyon na pumapaslang at nambibiktima ng mga inosenteng tao dito sa aming bayan. Alam kong ang tunay na pag subok sa aking bagong tadhana ay mag sisimula palang.   itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD