PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding
Ai_Tenshi
Part 8: Apoy ng Pag asa
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin. Basta ang alam ko lang ay nakakalipad ako ng mabilis. Luminaw ang aking paningin, lumaki at gumanda ang hugis ng aking katawan. Ang aking kasuotan at nakakatuwa rin pag masdan dahil para ito damit ni Darna. Parehong pareho ang simbolo ng ibon sa aming noo. Mas malaki lamang ang kanya. May bilog na gintong metal sa aking dibdib na may naka ukit ang bituin at dito naka kapit ang dalawang mahabang tela na kulay pula na animo bundahe na nag aapoy ang dulo.
Naka hubad ako ngunit hindi ako nakakaramdam ng lamig. Sa aking braso naka kabit ang mga gintong pulseras na animo malalaking wrist band. Ang aking sinturon ay gawa rin sa ginto na may tela sa pinaka gilid, para itong tela sa gitna ng hita ni Darna ang kaibahan nga lang ay mahaba ang nasa gilid ng aking bewang.
Ang aking pang ibabang damit ay kulay pulang brief na may gintong pantalon sa hita at pulang bota na kakaiba ang tela. Magaan ito at hindi mahigpit sa katawan. Ni pakiwari ko nga ay wala akong suot na damit dahil sa napaka komportable nito at hindi sagabal sa aking pag kilos.
Patuloy ako sa pag lipad ng mabilis, halos wala akong takot na nararamdaman. Basta ang alam ko lamang ay kailangan kong isalba ang aming bayan at pati na rin ang mga taong minamahal ko. Hindi pa ako handang maiwanang mag isa, at sa kaparehong dahilan ay hindi pa rin ako nakahandang lumisan.
Ilang minuto rin ako sa ganoong pag lipad hanggang sa makita ko nga ng malapitan ang isang higateng bato na marahang bumubulusok pabagsak sa lupa. Nag aapoy ang paligid nito at lahatang ang diretso ay sa aming bayan. Mukhang sa laki ng kometang ito ay manbubura talaga ang Pilipinas sa mapa at baka madamay pa ang kalahati ng mundo kapag nag kataon.
Lumipad pa ako sa mas mataas na bahagi ng kalangitan at doon ay buong tapang na hinarap ang dalawang komentang sisira sa daigdig. Mabilis ko itong sinalo, mainit at nag babaga ang buong paligid ko. At dahil nga sa masyado itong malaki ay halos mapiyot ang aking katawan at hindi ko man lang ito maiusad ng mas mabilis. Walang humapay na tulak ang aking ginawa hanggang sa makalabas ito sa kalangitan at muli maibalik sa kalawakan. Buong pwersa kong sinuntok ng malakas ang isang kometang naka ambang bumagsak hanggang sa tuluyan itong mag bago ng direksyon.
Ganoon din ang aking ginawa sa kalahating parte ng nag babagang bato. Itinulak ko ito sa ibang dereksyon. Hindi ko ininda ang paso, sugat at pag kasunog ng aking palad. Ang mahalaga ay maka ligtas ang lahat mula sa naka ambang yakap ni kamatayan.
Matapos kong maitulak ang kometa upang malihis ito ay bigla na lamang bumulusok pababa ang aking katawan. Para akong isang sasakyang naubusan ng gasolina. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang aking sarili na bumabagsak sa kalangitan. Halos ganitong ganito yung eksena sa aking paniginip kung saan nakatunghay ako sa madilim na kalangitan habang mabilis bumabagsak ang aking katawan sa ere.
Ang hindi ko lamang maunawaan ay kung bakit wala akong maramdamang takot sa aking dibdib. Basta't ang nararamdaman ko lamang ay ang pag kahina ng aking katawan na parang isang plastic na itinapat sa apoy hanggang sa matunaw ito. Ramdam na ramdam ko ang pag bagsak ng butil ng ulan na tumatama sa aking mukha, malamig ito na parang may butil ng yelo at isama mo pa ang malakas na hanging yumayakap sa aking pag bulusok pababa.
Tumama ang aking katawan sa lupa at gumawa ito ng mahinang pag yanig.
Tahimik..
Nanatili akong naka titig sa langit hanggang sa mapansin kong may apat na liwanag na nahuhulog mula dito. Mag kakasabay ang mga ito, isang asul, dilaw, berde at itim. Maya maya nag bago ang direksyon ng mga ito at unti unting nawala sa aking paningin kasabay nito ang pag kawala rin maitim na ulap na naka balot sa kalangitan.
Patuloy pa rin ang pag bagsak ng ulan mula sa itaas. Ako naman ay napabuntong hininga nalang at hindi makapaniwalang nag karoon ako ng kakayahang maprotektahan ang buong mundo laman sa tiyak na pagka sira.
Nanatili lang ako sa ganoong posisyon hanggang sa mag pasya akong lumipad pabalik sa aming bayan.
Kinabukasan..
"Narding, Nardingggg!! Jusko buhay kaaaaa. Ang akala ko ay kung na paano kana." ang umiiyak na wika ni Cookie noong makita akong pumapasok sa simbahan kung saan sila nanatili.
"Ang akala ko nga rin ay patay na ko. Kagabi ay nadapurak ako ng maraming tao at pag katapos ay nawalan ako ng malay. Buti nalang at may tumulong sa akin kaya kahit papaano ay galos lamang ang aking natamo. Teka nasaan yung kometa?" ang tanong ko naman habang nakatingala.
"Ay jusko Cousin, ibang level ang pang yayari kagabi. Biruin mo naka ready na kami lahat mamatay tapos maya maya ay biglang may umentradang lumilipad na liwanag tapos dumikit ito doon sa kometa tapos "poop." nawala ang kometa, waley. Miracle ang nangyari." ang masayang wika nito
"Sayang hindi ko nakita. Ano naman yung itsura nung liwanag?" tanong ko ulit.
"Ehh ewan pinsan. Ang nakita lang namin ay lumalakad ito na mabilis sa kalangitan. Kulay pula ito na parang bolang apoy na lumilipad." ang pag lalarawan niya.
Ganoon din ang kwento ng ibang tao na nakasaksi sa aking ginawang pag aalis sa kometa kagabi, ang tanging tanong lamang na naiwan sa kanilang sarili ay kung ano ang liwanag na lumilipad na iyon sa kalangitan dahil walang imaheng makita sa kalayuan. Halos ito ang laman ng mga pahayagan at balita sa radyo sa iba't ibang sulok ng mundo. Ang ginawa kong pag buhat sa kometa ay ginawang milgaro ng nararami at sa kaparehong dahilan ay ginawa rin itong parte ng kababalaghan.
BREAKING NEWS: Samantala inilabas ng NASA ang imahe ng kakaibang liwanag na nakita noong nakaraang gabi. Malabo lamang ang pag kakakuha ng larawan mga kaibigan ngunit kung ating pag mamasdan ang imahe ay para may isang tao sa loob nito na halatang itinutulak ang naturang kometa palayo sa ating daigdig mga kaibigan. Kuha ito ng kanilang satelitte matapos ireview ang naturang mga footage ng milagrosong pag lihis ng kamatayan sa ating mundo." ang wika ng reporter sa telebisyon habang naka flash sa screen ng monitor ang imahe. Maitim ito at hindi masyadong naaaninag kung hindi pag mamasdang mabuti.
"Ayan cousin, iyan yung liwanag kagabi. Kung may tao nga sa loob niyan marahil ay isa iyang alien na nag mula sa ibang mundo. Nakaka kilabot naman iyan." ang wika naman ni Cookie habang nakikipag nood kami sa t.v ng isang tindahan sa parke.
"Kung ano man ang bagay na iyan, dapat ay mag pasalamat tayo dahil nailigtas nya ang ating mundo." tugon ko.
"Kung sa bagay, tama ka dyan cousin." ang sagot ni Cookie habang patuloy pa rin kami sa panonood.
BALITA: Samantala, kapansin pansin din na noong nag laho ang naturang kometa sa kalangitan ang siya namang pag sulpot ng apat na kakatwang bulalakaw sa himpapawid. Ang apat na ito ay may iba't ibang kulay mga kaibigan. Isang asul, dilaw, itim at berde. Ngunit ilang segundo naman ang kanilang itinagal bago tuluyang mag laho sa himpapawid. Ang ilang mga astromiko ay nahihiwagaan sa mga pangyayari dahil ngayon lamang daw sila naka kita ng mga kakaibagay sa kalawakan. Lalo lamang tuloy lumalakas ang ebidensya na ito umano ay gawa ng mga aliens."
"Sabi sayo cousin, mga alien ang bagay na iyan. Iba na talaga ang panahon ngayon." ang muling komento ni Cookie.
"Kung ano man ang mga bagay iyan dapat ay maging handa tayo sa mga bagay na maaaring mangyari. Katulad nalang nung lindol na halos sumira ng maraming kabahayan dito sa bayan."
"Kaya nga, wrong timing naman kasi kung kailan nanalo ako saka lilindol. Minsan na lang ako makapag suot ng korona e napakan pa ng mga tao." pag mamaktol nito.
Tawanan..
Ipinag patuloy namin ni Cookie ang pag lalako ng dyaryo at sampaguita, kahit saan kami makarating ay usap usapan yung tungkol sa mga liwanag sa kalangitan. May natatakot at mayroon di namang nag sasabi nalalapit na raw ang katapusan ng mundo. Yung tipong kanya kanya sila ng haka haka at teorya ayon sa nakikita ng kanilang mga mata. "Parang hindi naman kapani paniwalang end of the world na nga. Diyos lang ang makapag sasabi kung kailan ito magugunaw." ang wika ko habang nag lalakad pauwi.
"Sabi nga kasi ng matatanda, naka sulat daw sa bibliya na sa katapusan ng mundo may apat na kabalyerong babagsak sa kalangitan. Ang una ay susunugin ang buong sanlibutan, ang ikalawa ay lulurin sa tubig ang mga tao, ang ikatlo ay kakainin ng lupa ang nasasakupan at ang ika apat naman ay mag dadala ng lason sa hangin na siyang ikamamatay ng lahat. Iyong mga liwanag raw na nakita noong nakaraang gabi ay ang mga kabalyerong gugunaw sa mundo." paliwanag ni Cookie
"Hindi naman siguro, ang katapusan ng mundo ay naka depende sa ating mga tao. Inaabuso kasi natin ito kaya't mas mabilis nasisira." tugon ko naman.
"Pero mas mabilis masisira ang mukha ko kapag nag tagal pa tayo dito sa kanto. Ayan na si Bart eh, mukhang mainit nanaman ang ulo." natatakot na salita ni Cookie sabay takbo padistansya sa akin at doon nga ay nakita namin si Bart naka suot ng sando at short na pang basketball, seryoso ang kanyang mukha at parang nag hahanap nanaman ng mapapag diskitahan. Ngunit hindi naman ako nakaramdam ng takot, parang natuwa pa nga ako noong makita ito.
"Mukhang mainit ang ulo natin ah." bati ko noong makalapit ito sa aming harapan.
"Oo nga tol, gago kasi yung tropa ko, dinaya ako sa bilyar saka tumakbo. Tanginang iyon!" galit na sagot niya.
"Hayaan mo na iyon. Nag hahanap ka lang ng sakit ng katawan. Saka saan ka naman pupunta?" tanong ko naman.
"Doon sa kanila. Babasagin ko mukha tarantadong iyon. pwe!" ang sagot nito sabay dura sa gilid.
"Hala, mas delikado ang gagawin mo. Baka mabugbog ka lang doon sa compound nila kaya kung ako sayo huwag mo nang ituloy ang plano mong pag sugod sa kampo ng kalaban dahil walang magiging resulta iyon kundi ang kapahamakan mo." pag pigil ko
"Paano ka nakakapag sabi ng ganyan? Ano naman ang alam mo sa pakikipag laban e pilay ka nga. Huwag mong maliitin ang kakayahan ko."
"Wala naman akong sinabing ganoon. Ang nais ko lamang ay umiwas ka sa bagay na maaaring mag pahamak sayo. Hindi naman sukatan ng pagiging astig at matapang ang pakikipag away. Minsan ang pag bibigay ng kapatawaran sa taong nag kasala at nanakit saiyo ay higit na mas matapang sa mata ng Diyos." ang katwiran ko dahilan para mapangiwi ito. "Tangina pala, umalis nga ako sa amin dahil apura sermon ni tatay tapos ikaw naman pala papalit. Umalis ka nga dyan at baka sayo ko maibunton ang galit ko." ang salita nito sabay tabig sa aking katawan.
Wala naman akong nagawa kundi ang umalis sa kanyang daraanan at hayaan nalang ito sa kanyang balak na makipag sabugan ng mukha sa kabilang compound..
"Hayaan mo nga sya cousin. Yang mga ganyan kay Bart e halang ang kaluluwa. Tingnan ko nga yung likod niya may naka ipit na laseta, talagang balak patayin yung tropa nya dahil lang sa maliit na halagang nadaya sa kanya. Gago talaga." ang pag yaya ni Cookie sabay hatak sa akin palayo sa kanto.
Ako naman ay pilit nilingon si Bart pero nawala na ito sa aking paningin. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit labis akong nag aalala sa kanya kahit na pinag salitaan niya ako ng hindi maganda. "Ang arte mo naman Narding, wag ka na ngang lumingon doon. Hindi kayo bagay, mahuhurt lang ang feelings mo." dagdag pa nito.
Palayo na sana kami ni Cookie sa kanto ng biglang dumaan yung mga kabarkada ni Bart, lahat sila nag tatatakbo na parang may masama ngang nangyari. "Tangina si Bart nasaksak nanaman!" ang wika ng mga ito habang nag aapura.
"Agad agad? Bilis naman yata." wika ni Cookie samantalang ako naman kusang bumitiw sa kanyang pag kakahawak at nakisunod na rin sa mga kabarkada ni Bart.
"Hoy Narding!! Anong klaseng pag lalandi ba iyan? Talagang kailangan tatakbo ka rin? Pwedeng relax lang." ang pag habol nito.
"Kaibigan natin si Bart, tulungan natin siya!" pag aalala ko.
"Excuse me, hindi ko sya frend. Ilan sa mga sisterets ko ang jinombag jombag niya. Pero halika na nga, moral support ko nalang to sa iyo." ang pag mamaktol nito at muli kaming nag tatakbo patungo sa kabilang compound kung saan madalas dapuan si Bart ng matinding kamalasan.
itutuloy..