Part 7: Kometa

2314 Words
Ang Tadhana ni Narding Ai_Tenshi   Part 7: Kometa   "My name is Cookie Reyes Delos Santos in real life. But tonight let me stand by the name of Miss International 2016, ating palakpakan.. Miss Kylie Versoza.  Na nag iiwan ng mga katangang "Keep off the grass!" ang pag papakilala ni Cookie sa introduction portion ng contest na Miss Gay kung saan siya muling sumali.   Hiyawan ang mga tao..   Ang iba naman ay nag tatawanan..   Ako naman ay nakasuporta lang sa kanya sa back stage at tumutulong sa pag aayos ng kanyang mga gamit. Ito na ang pang apat na sali ni Cookie sa Miss Gay Barangay at kahit na kailan ay hindi pa sya nakaka sungit ng korona. "Naku cousin, feeling ko ay mananalo na ko ngayon. Tingnan mo naman yung mga kalaban ko ke papanget. Saka Im sure lalo pa silang magugulantang kapag nakita nila ang talent ko. Akin na nga yang mga props, yung gaas at lighter nandyan na ba?" ang tanong nito.   "Ha? Bakit? Akala ko ba ay Jungle dance ang talent mo katulad noong nakaraang taon?" tanong ko naman.   "Eh hindi naman nanalo yon. Tatlong taon na akong nag papaka hayop sa talent pero wa epek pa rin. Nung nakaraang taon ay sumabit sabit na ko sa alambre pero talo pa rin. Kaya ngayon ay bubuga naman ako ng apoy. Kaya mag ready sila sa hot na hot na fire dancing ko. Pag liliyabin ko ang entablado!" ang kinikilig na wika nito sabay rampa hawak ang kanyang mga props.   "Teka pinsan, naiwan yata yung proteksyon mo sa mata. Sandali lang at babalikan ko sa bahay. Number 23 ka pa naman kaya aabot pa ako." pag papa alam ko.   "Hay naku wag mo nang balikan cousin. Sa ganda kong to pak na pak na. Saka isa pa ay malayo ang bahay natin tatlong kanto ka pang lalakarin mo. Dito ka nalang at mag pahinga." ang wika naman nito.   Edi ayun nga hinayaan ko nalang si Cookie sa mga balak niyang mag pasikat. Alam ko naman na may talento talaga siya sa pag sasayaw dahil dati siyang pinag trabaho ng tatay niya sa peryaan bago ito mamatay. Hindi ko na pinanood ang buong talent portion dahil masyadong matagal yung ibang kalahok. Nag pasya nalang akong mag lakad lakad sa labas upang makalanghap ng sariwang hangin. Ilang oras na din kasi ang itinagal ng pananatili ko doon sa loob ng dressing room, wala akong ibang naamoy kundi mga kemikal na pang lagay sa buhok.   Patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa makarating ako sa lugar na malayo sa venue ng contest. Dito ay nakita ko si Bart na naka upo sa tabi ng nag titinda ng fishball habang abala sa pag hitit ng sigarilyo. "Oh Narding, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba ay susuportahan mo yung pinsan mong bakla?" tanong nito.   "Matagal kasing masyado yung contest. At isa pa ay mainit doon sa dressing room kaya nag pahangin muna ako dito sa labas. Eh ikaw anong ginagawa mo dito? Hindi ba't galit ka sa mga bakla?" pang uusisa ko.   "Oo nga, nag hihintay lang ako ng mabubugbog mamaya. Yung hindi makaka kuha ng korona ay makaka kuha naman ng consolation prize sa akin." naka ngising wika nito habang sinusuntok ang palad.   Loko talaga tong si Bart, wala nang ibang inisip kundi ang pag gawa ng gulo. At dahil nga nandito sya ay naisipan ko na rin na manatili sa kanyang tabi. Ganoon talaga, para paraan ang pag kakataon, at ayokong palagpasin ang oras na makakasama ko ulit sya. Masaya na ako sa ganito at hindi na ako humihiling ng kung ano pa man.   Nag kwentuhan lang kami ni Bart ng kung ano anong bagay hanggang sa hindi ko na namalayan ang pag daloy ng oras. Masyado akong masaya upang mapansin ito ni hindi nga ako nauubusan ng topic kapag sya ang kausap. Kahit mag hapon ay okay lang basta makita ko lang siyang nakangiti.   "Hoy Narding! Narding! Nanalo si Cookie!! Nanalo siya!!" ang sigaw ng isa naming kaibigan.   "Ha? Paano nangyari yon? Este ang husay ni Cookie, hindi ako makapaniwala!" ang sigaw ko naman at mabilis ako tumayo para puntahan si Cookie na noon ay pinuputungan na nga ng korona. Naka suot ito ng gown na kagaya ng kay Kylie Versoza sa Bb. Pilipinas pati ang buhok na naka punggos ay ginaya rin nya. Maluha luha ito habang lumalakad suot ang korona, kumakaway ito at sa mga tao bagamat ang ibang manonood ay nag alisan na nga, pati yung mga kalaban niyang contestant ay nag uwian na rin. Mga batang baklita nalang ang naiwang naka tunghay sa kanyang ginagawang pag eemote sa stage.   "Ang galing mo pinsan! Ang husay mo!!" ang wika ko naman sabay yakap dito. "Oh diba, beauty queen na aketch! Windra ang beauty ko oh!" ang natutuwang sagot nito habang umiikot pa sa aking harapan.   "Sa wakas natupad na rin ang pangarap ang mong manalo. Masaya ako para sa iyo." wika ko at muli ko itong niyakap.   "Sabi ko naman sa iyo, try and try lang ang kasagutan kung gusto mong makarating sa pangarap mo. Parang si Pia lang ako, pag katapos ng 4 na sali saka palang ako pinalad manalo ng Miss Gay Barangay. Oh diba? Winner!!" ang maarteng tugon niya. "At ang premyo kong 5,000 pesos ay pag hahatian natin! Yey!"   Noong mga sandaling iyon ay para kaming mga bata na nag lululundag sa sobrang tuwa. Dito ko napatunayan na kami ni Cookie ay hindi laging talunan, pinatunayan din nya sa akin na mahalaga ang pag tityaga sa lahat ng bagay ng nais mong makamtam dahil sa huli ito ang pag bibigay ng ibayong kaligayahan sa iyong pag katao. "Ito na ang katuparan ng mga pangarap ko cousin." ang wika pa nito.   "Binabati kita sa tagumpay mo. At dahil dyan ay ililibre ko mo ng masarap na pananghalian bukas." biro ko   tawanan...   Habang nasa ganoon pag sasaya kami Cookie ay bigla na lamang nag kagulo sa buong plaza. Ang lahat ay naka tingala at itinuturo ang kometa na nag liliwanag ng husto. Nahati na ito sa dalawa at ang isa ay naka turo pababa sa lupa. Kasabay nito ang isang breaking news na nag mumula sa radyo.   "Ang kometang pinangalanan "The Miracle Comet" na ating nakikita ngayon sa kalangitan mga kaibigan ay nahati na dalawa at ang isang pinangangambahang tatama sa lupa sa loob ng ilang oras. Halos ilang linggo na rin natin itong nakikita sa kalangitan at ngayon lamang ito muling kumilos. Ang kometang ito ay may kakayahang burahin ang ating bansa kung direkta itong tatama sa lupa. Ang lahat ay pinapayuhan na sumunod sa ordinansa ng mga otoridad kung sakali man na mag deklara ang mga ito ng pag likas." ang wika sa radyo na siyang kinatakutan ng lahat.   Lalong nag panic ang mga tao sa paligid..   "Mamamatay na tayo! Katapusan na natin!" ang iyak ng mga tao sa paligid habang ang ilan ay nag darasal para sa milagrong kaligtasan.   "Ano ba iyan, kung kailan naman nanalo na ako ng korona saka pa ako mamatay!" ang wika ni Cookie.   "Ano ka ba, huwag kang mag salita ng ganyan. Walang mamamatay sa atin. Wala.." ang sagot ko naman bagamat balot na rin ako ng matinding takot at pangamba.   Habang nasa  ganoong pag kakagulo ang lahat ay muli nanamang gumalaw ang lupang aming kinatatayuan at kasabay nito ang malakas na pag yanig sa buong paligid. "Lumilindol!! Mag alis na tayong lahat!!" ang sigaw ng mga tao.   Lahat kami ay nag takbuhan at nag hanap ng lugar kung saan kami mananatiling ligtas. Hawak ako ni Cookie sa kamay, tumatakbo kaming dalawa pauwi sa bahay habang patuloy sa pag yanig ang buong paligid. Ang mga poste ay nabuwal, ang mga kawad ng kuryente ay nag aapoy. Mistulang eksena sa pelikula ang pang yayaring ito kung saan ang taong bayan ay mabilis na lumilikas para makaligtas sa matinding sakuna na naka amba sa kanilang mga buhay.   Magulong magulo ang paligid. Nag iiyakan ang mga tao, nag sisigawan. Balot ng takot at matinding pag aalala. Pati ako ay halos atakihin na rin sa puso.   At dahil nga sa matinding gulo ay lumikha na rin ng apoy ang mga kuryenteng nag sala-salabat sa itaas at kasabay nito ang ilang pag sabog sa paligid..   "Cookie! Doon tayo sa simbahan! Matibay ang pundasyon noon. Tara!" ang pag yaya ko sa kanya ng bigla akong madapa at madapurak ng mga taong nag tatakbuhan sa aming direksyon. Nawala sa aking paningin si Cookie, marahil ay natangay ito ng mga taong mabilis na lumilikas sa paligid. Para akong isang basahan na kinaladkad ng mga taong natatakot. Halos nag kanya kanya ang mga ito. Wala na silang paki alam kung may kapansanan man o may edad ang kanilang natatapakan. Kaya naman wala akong naging ibang sandigan kundi ang aking saklay na mahigpit kong hawak bagamat wala na akong makita dahil wala na ang aking salamin sa mata.   Habang tumatayo ako ay muli nanaman ako sinagasaan ng mga taong nag aapura sa pag likas. Sumadsad ako lupa, nabali ang aking saklay at nasipa ang aking ulo, mukha at katawan. Natapakan rin ang aking binti kaya wala akong nagawa kundi ang gumapang nalang habang umiiyak at nang hihingi ng tulong.   Patuloy sa pag sabog ang mga gusali, ang mga salamin ay nag kakabasag. Ang mga pader na natitibag dahil sa lakas ng pag lindol.   Kawalan ng pag asa ang aking naramdaman. Hindi pa ako handang mamatay, alam kong marami pang nakalaan na magagandang bagay sa akin sa hinarap. "Ayoko pa... Ayoko pang mamatay.. Hindi pa ako handa.. hindi paaa." ang pag iyak ko habang pilit na bumabangon ngunit kapag pinipilit kong tumayo ay nabubuwal lang ako dahil napuro ang aking mga hita.   "Ayoko pang mamatay.. Masyado pang maaga para mangyari ito. Hindi pa ako naka handa." ang patuloy kong pag iyak habang namamatay ang apoy ng pag asa sa aking dibdib.   Patuloy sa pag yanig at pag sabog ang paligid. Nasusunog ang mga bahay at dumarami ang aksidente sa kalsada..   Maya maya ay narinig akong boses na tumatawag sa aking pangalan. "Narding.. Tumayo ka paki usap." ang boses ng lalaki na nag mumula kung saan.   "Sino ka? Nasaan ka? Tulungan mo ako, paki usap.. Ayoko pang mamatay! Hindi pa ako naka handaa.. Paki usaapp kung sino ka mannn!!" ang tanong ko habang umiiyak.   "Nandito ako sa iyong kaibuturan. Nag kita na tayo sa iyong panaginip. Ako ang anghel na gagabay sa iyo sa oras ng kagipitan." ang boses nito.   "Gagabay? Paanong mang yayari iyon eh mamatay na ako. Ilang sandali nalang ay babagsak na ang kometa sa kalangitan. Lahat kami ay mabubura na sa mundong ito. Natatakot ako, dahil hindi pa ako nakahandang mawalay sa mga taong mahal ko. Hindi ko kakayanin na mag kahiwa hiwalay kami." pag iyak ko naman.   "May pag asa pa Narding. Naalala mo ba ang mga katagang sinabi ko sayo noong nag kaharap tayo? Ang sinabi ko ay ikaw ang magiging tagapag ligtas ng buong sanlibutan. Lalabanan mo ang lahat ng masasama, susupilin mo ang kadiliman at ibabalik ang liwanag sa buong kalawakan. Ikaw ay hindi makikilala bilang ikaw, dahil mag babago ang iyong katauhan. Ang iyong busilak na puso, pag sasakrispisyo para sa ibang tao at ang pag mamahal mo ng walang pag iimbot. Wala kang bahid ng kasalanan at ikaw ang kumakatawan sa kabutihan. Ikaw ay tatayo para iba at mag aalay ng iyong sarili para sa lahat.   Tumayo ka Narding.. Tatagan mo ang iyong loob dahil ang tunay na laban ay mag sisimula pa lamang. Matagal nang nasa iyo ang kapangyarihan ko, naalala mo noong may liwanag na tumama sa iyo sa parke, iyon ang aking lakas na tinanggap ng iyong katawan.   Tataglayin mo ang bilis ng hangin, ang lakas ng daang libong mandirigma at ang iyong katawan ay magiging kasing tigas ng bakal. Ikaw ay kakatawan sa kabutihan at susupilin mo ang binhi ng kadiliman. Humayo ka Narding at iwakasi ang apoy ng bagong pag asa.   Kapain mo ang iyong bulsa at doon ay makikita mo ang isang bagay na mag liliwanag sa gitna ng kadiliman. Isubo mo ito at lunukin, tawagin mo ang aking pangalan..   "NARDO"   Tahimik..   Unti unting nawala ang tinig kasabay nito ang pag liliwanag ng aking bulsa. Katulad ng sinabi ng anghel. Kunin ko ito at tataglayin ko ang kanyang lakas.   Ang nag liliwanag na bato ay kasing laki ng holen. At noong hawakan ko ito ay unti unting nawala ang sakit sa aking katawan. Nawala ang aking pilay sa paa at maharan akong nakatayo ng tuwid.   Nanatili ang bato na naka kulong sa aking palad at kasabay nito ang pag takbo ko sa gitna ng maraming tao. Ang lahat ay papunta sa iisang direksyon ako lamang ang nakasalungat. Para akong lumulutang sa akin, punong puno ng lakas ang aking katawan, binura nito ang takot sa aking dibdib at napuno ang ng pag asa.   Unti unting nag aapoy ang aking damit na parang nasusunog na papel. At ang mga abo nito ay sumasabay sa aking pag takbo.   Naka ukit na sa ating mga palad na tayo ay palaging makakaranas ng takot at pag subok sa ating buhay.Ito ay gawa ng mapag larong tadhana at kahit anong gawin natin ay hindi natin ito matatakasan. Sa huli ay wala tayong magagawa kundi ang maging matatag na parang isang bato na habang tumatagal ay lalong tumitibay. Yakapin natin ang mga hamong ito hanggang sa mapagod ang tadhana at tayo maging malaya mula sa mga pag subok niya.   Tayo ay ipinanganak at itinalagang gumawa ng makabuluhang bagay para sa ating kapwa. Tayo ay madadapa at masusugatan ng maraming beses ngunit tayo ay matatag, matapang na parang isang matalas na patalim. Tayo ay lalaban at hinding hindi susuko.   Ngayon ay hindi na tayo mag iisa dahil tinitiyak kong may sisibol na liwanag ng pag asa..   Patuloy ako sa pag takbo..   Unti unting gumalaw ang aking kaway at inilagay sa aking bibig ang nag liliwanag na bato. Kasabay nito ang pag sigaw ko..   "NARDO!"   Nabalot ng apoy ang aking katawan ang kasabay noon ang mabilis na pag sibat ng aking sarili ere na parang isang mabilis na bala ng baril.   Ang lahat ay napatingala sa aking pag daan. Nag liliwang ang aking katawan na animo apoy na sumisimbolo sa pag asa.   May laban tayo..     itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD