Part 12: Taga hanga

2621 Words

Ang Tadhana ni Narding AiTenshi   Part 12: Taga hanga   "Grabe ang aksyon Narding. Para akong nanonood ng pelikula doon sa sinehan. Hanep sumuntok si Nardo, walang panama sa kanya yung demonyong kalaban! Pak! Pak!. Asteeg talaga tol!" ang wika ni Bart habang nag lilinis kami ng Simbahan.   "Oo nga e, nakita ko sya kagabi. Hindi lamang ako makalabas sa pinag tataguan ko dahil sa matinding takot. Muntik na kasi akong lapain ng manananggal." tugon ko naman   "Isa pa yan tol, dapat ay hindi kana sumasama sa mga ganoong lakad kapag gabi. Gago ka, pinag alala mo ako kagabi ah, hindi ko alam kung saan ka hahanapin." ang wika niya na nag bigay ng kakaibang kilig sa akin.   "Pasensya na, ang akala ko kasi ay walang mag papakitang aswang doon sa bukirin. At isa pa ay ginawa ko lang naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD