Ang Tadhana ni Narding Ai_Tenshi Part 13: Binihag na damdamin "Nabalitaan ko yung nangyari sa iyo doon sa parke. Ang sabi nung mga tao doon sa bayan ay binubog ka raw ni Super Nardo." wika ko noong makita ko si Bart na nag wawalis sa harapan ng simbahan. "Binugbog? Baka siya ang binugbog ko. Takot nga e, ayaw lumapit sa akin kaya hayun lumipad nalang palayo. Urong din pala ang bayag ng mokong." pagyayabang nito bagamat alam ko naman na ilang beses siyang gumulong sa lupa. "Kawawa naman pala si Nardo. Buti naman at naawa ka sa kanya." ang pag sakay ko nalang. "Syempre. Alagad din naman ako ng kabutihan. Nag kataon lang talaga na mas asteg at mas malakas ako sa kanya." patuloy niyang pag yayabang kaya naman tawa na lamang ang aking isinagot at sa