HALOS MAG-AAPAT BUWAN ang lumipas. Kahit papaano ay nakapag-adjust na ang anak sa bago nitong environment. Sa nakikita ay masaya ito sa bago nitong eskuwelahan at mukhang hindi ito ganoon nahirapan sa transistion sa buhay sa probensiya at sa Manila. Maging siya naman ay maayos na rin sa work. Sila ni Tristan ay ganoon pa rin. They're on pero nangangapa kung may kasiguraduhang sila hanggang dulo. "Pssssst....psssst..." dinig na sitsitan ng ilang co-worker. Nasa my xerox machine siya noon at may pinapa-photo copy. "Ano?" Turan ng isang babae. "Alam mo bang nasa office daw ni big boss ang ex-gf nito at buntis daw..." bulong ng isa. "Sino doon iyong recent?" Turan ng isa. "Hindi...iyong college gf daw noon si Sir. Chikka pa eh nagpropose doon si sir noon pero turn down ni girl." Turan