"HALOWEE...ser...heto na po ang inyong gamit.." turan nito sabay lapag ng malaking bag sa mesa. Napakunot noo siya sa dala ni Lilay. "Sir, magsu-swimming po ba kayo. Nagdala na ko ng tuwalya, swimming trunk, pamalit niyo at of corzzzz...di ko kinalimutan ang brief niyo." Anito na inisa-isang ilabas ang laman ng bag. Napatapik siya ng ulo. Napabuntong hininga at pinilit hinamig ang sarili. "Ser, okay ka lang po ba?" Alalang tanong nito. "Yeah...salamat.." aniya rito. "Mukha po kasing ang lungkot niyo. Pagod po ba kayo, gusto mo ng masahe...may dala ako ritong baby oil.." anito sabay kapa sa baywang nito. Napapailing siya. "I'm fine Lilay, thanks.." aniya. "Okay po ser, sinabi mo eh. Paano ba iyan, mauuna na ako kasi may date pa kami ni Darling Dario." Anito. Kahit banas ay napatawa s