PAGBALIK NI CARISSA ay napakunot noo dahil wala sa kama si Tristan. Naaalalang wala doon ang damit dahil sa kusina nito hinubad iyon. Nakitang nasa side gilid ng kama ang hinubad ni Tristan na damit kanina. Nahihiya naman siyang hubo't h***d na lumabas ng silid kaya sinuot ang tshirt nito at saktong hanggang kalahati ng hita niya. Napangiti pa siya dahil feeling niya ay ang sexy niya ng isuot ang damit nito. Mabilis na lumabas ng silid at hinanap ito at ganoon na lamang ang gulat ng makitang nasa kusina ito at abala. Napangiti siya dahil mukhang mas lalo itong gumuwapo sa paningin. A man can cook is a bonus. "Hey babe," ngiti ni Tristan nang mapansin si Carissa. Mas lalong lumuwag ang pagkakangiti dahil napakasexy nito kahit tshirt niya lang ang suot nito. Nakitang hinanap nito ang dami