NANG MAPANSIN ni Carissa ang pagtunog ng cellphone ay agad na inusisa kung sino ang natawag. Nang makita ang anak ay hindi magawang ikansela iyon. Agad na lumingon kay Tristan pero abala ito lalo pa at nagkaroon ng konting kumosyon. Agad na lumayo dahil sa ingay. "Hello anak, sorry medyo maingay dahil nasa kasal ako ng kakilala ko. Bakit ka napatawag?" Turan sa anak. "Ma...kailan kayo uuwi dito ni lola. Sa susunod biyenes na ang graduation namin. Mama...ako po ang kukuha ng mataas na parangal." Excited na turan niyo. "Oo anak..." "Anak!" Tinig buhat sa likuran niya. Bigla siyang natulos nang makita roon si Tristan at matiim na nakikinig sa kaniya. Pinatay ang cellphone kahit hindi pa nagpapaalam sa anak sa kabilang linya. "Tell me Carissa, ang batang sinasabi mong pamangkin mo ba an