HINDI na halos ako natahimik pagkaalis ni Jordan. Tinawagan ko si Jowell kinagabihan at kinwento rito ang lahat ng nalaman ko tungkol kay Xavi. "Here you go again. Iniisip mo ulit na siya nga si Alistaire." "I just want to find out the truth, Jowell. Look, may posibilidad na hindi totoo ang kwento ni Noelle na sa isang bahay-ampunan lumaki si Xavi. At kung hindi, bakit niya kailangang gumawa ng kwento? Pwedeng palabas lang niya 'yon dahil nga walang maalala si Xavi sa nakaraan nito. Ayokong magbintang, pero ilang maliliit na detalye na tungkol kay Xavi ang pinalampas ko dahil para sa'kin ibang tao siya sa asawa ko. Maliliit na detalye na ngayong pinagsama-sama ko, naging malaki at naging mas reasonable." “What do you plan to do? Ipapagalaw mo ba ang mga labi ng asawa mo? Or si Xavi ang

