“HINDI ako pwedeng magtagal dito, Chelsey. Baka hanapin ako ni Xavi.” Iyon ang bungad ko pagsakay na pagsakay ng kotse niya. “Oh, come on!” She smirked. “H’wag mo nga akong patawanin, Noelle. Kailan ka pa hinanap ni Xavi?” Hindi ako nakakibo bagkus ay napasimangot na lang. Isang envelop ang kinuha ni Chelsey mula sa loob ng compartment ng kotse at inabot sa’kin. “Ano ‘to?” “Plane ticket papuntang Bukidnon.” "Bukidnon?" gulat na tanong ko. "Anong gagawin ko roon?” “You will know. May matutuluyan na rin kayo pagdating n'yo roon. Sa isang bukas na ang alis n'yo ni Xavi at kailangang makumbinsi mo siyang sumama.” “What?" Mas ikinagulat ko ang huling sinabi niya. "Paano naman ang anak ko?" She smiled. "The usual, my dear. May mga mag-aalaga sa anak mo at ako na ang bahalang sumuporta s

