KAMBAL. Hawak ko na ang resulta ng ultrasound at iyon nga ang nakasaad sa papel. Kinumpirma na rin iyon sa akin ng doktor kaya naman hindi ko mailarawan ang nararamdaman ko habang palabas ng ospital. Mistula akong lumulutang nang lakarin ang patungo sa pinagparadahan ko ng kotse. Ang paalam ko kanina sa mansion ay bibisita ako kina Tatay at Tita Marina. Iyon naman ang una kong ginawa at nasorpresa talaga ang dalawang matanda sa aking pagdating. Kagaya ni Nanay, natanong nila ako kung bakit hindi ko kasama si Alfonso. Hindi ko masabi ang totoong rason. Mabuti na lang at may dahilan kaya hindi ko pwedeng isama ang apo nila sa lakad ko. Kinausap ko kasi ang teachers ni Alf at nagpa-arrange na muna ako ng online classes pansamantala habang nasa Bukidnon kami. Pumayag naman ang mga guro. S

