“WHAT are you doing, Noelle? Nag-usap na tayo kagabi, hindi ba? Anong gusto mong palabasin sa ginagawa mo?” Maang na tumingin sa'kin si Noelle at nagkibit ng balikat. “What's happened? Wala naman akong ginagawang masama." She smiled and gazed at me. "Baby-” “Stop calling me that way!" Natahimik si Noelle at gulat na tumingin sa'kin. Sinundot agad ako ng konsensiya. Naalala ko ang mga hirap niya sa'kin mula nang magising ako sa coma. Malalim akong humugot ng hangin upang ikalma ang sarili. Pagkatapos, tumayo ako at matamang pinagmasdan siya. "Noelle, ipapaalala ko lang sa'yo na hindi na tayo gaya ng dati. Ano ang iisipin ng makakarinig sa'yo?" "Gusto ko lang isipin nila na wala tayong problemang dalawa. Iniiwas ko lang ang mga sarili natin sa chismis. Alam mo na. Ayokong pag-usapan t

