PADABOG kong isinarado ang pinto ng kotse at saka dire-direchong pumasok sa gym. Kaninang umaga pa ako nakabalik sa Manila from Laguna. Nakapagpahinga na ako at nakatulog, pero paggising ko bandang hapon ay naroon pa rin ang inis ko sa bagong may-ari ng bahay ng mga Aguilar. I had no intention on talking to that woman kung hindi lang napakawalang silbi ng taong inutusan ko para kumuha ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ngayon ng mag-ina ni Alistaire. Napilitan akong kumilos. Nagpakilala akong bestfriend ni Ysolde, pero wala pa rin akong napala! Matigas pa rin sa pagtatago ang Menchie Paragas na ‘yon sa address at contact details ng mag-ina. Though I know she’s lying. Akala siguro ng babaeng ‘yon ay palalampasin ko ang pagpapahirap niya sa’kin. Nasa locker room ako nang maalalang tawag

