Kabanata 32

2444 Words

“TAY…” Narinig ko ang boses ng isang batang lalake. Base sa tono ay malungkot ito at mistulang iiyak. “Tay, nandito po ako! ‘Tay, kunin mo na’ko sa kanila! Gusto ko na pong umuwi sa atin, Tay!” Niragasa ng kakaibang takot at kaba ang dibdib ko. Halos marinig ko na ang t***k ng puso ko. “Tay!” Umiiyak na ang boses ng bata. Luminga-linga ako sa paligid at hinanap kung nasaan ang nagsasalita, pero kahit saan ako tumingin ay tanging dilim ang nakikita ko. “’Tay, nandito ako! Tay, uwi na tayo!” “Anak!” Nagmulat ako. Paggising ay natagpuan ko ang sarili kong nakaupo at nakasandal sa swivel chair. Sa harapan ko ay ang desk ko sa loob ng home office kung saan nakapatong ang drawing tablet na hawak ko kanina bago ako nakaramdam ng antok. Mariin akong pumikit at muling nagmulat. Gising na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD