“SINASABI ko na nga ba!” Bumagsak at nabasag ang crystal glass na hawak ko. Agad kumalat sa sahig ang lamang likido noon. “Magaling ka pala talagang artista. Mahusay magpanggap. Ang problema lang, madali kitang nabuking.” Sinundan iyon ng tawa ni Emma. Umismid ako. “Oo naman! Ikaw lang kase ang asong iniwan dito ni Chelsey para bumuntot-buntot sa’kin kahit saan ako magpunta.” Nawala ang ngiti ni Emma. She was pissed off. “Ano ba kasing drama ‘yan, Noelle at kahapon ka pa sakit-sakitan? Nahihirapan ako sa’yo, ha! Tawag nang tawag si Xavi para alamin ang kondisyon mo. Nagpapansin ka lang naman kaya mo ‘yan ginagawa!” Hindi ko siya sinagot. Hinablot ko ang bote ng red wine sa bar at naglakad palayo, pero sinundan pa rin ako ni Emma. “Tama ako, ano? Nagpapapansin ka kay Xavi! Kase nga

