HINDI ko napigilang iwasiwas ang displays sa ibabaw ng cabinet. Nagulat si Emma habang wala namang reaksiyon si Noelle. “How could you let this happen?" gigil na tanong ko sa dalawa. "Paanong umalis si Xavi nang hindi n’yo alam? Ganiyan ba kayo katanga pareho?! Ikaw na alalay ka!” “Madam, wala akong alam sa nangyari!" depensa agad ni Emma. "Sanay akong laging wala si Xavi rito sa bahay kaya hindi ako nagtataka kung hindi siya umuuwi. At paano ako mag-iisip na hiwalay na sila? Noong nasa ospital, bumibisita lagi si Xavi kay Noelle. Hindi ko alam na hiwalay na pala sila. 'Yan ang may kasalanan dahil hindi niya inamin sa'kin ang totoo. Hindi ko alam na kaya pala siya nagsasakit-sakitan ay para balikan siya ni Xavi!” “Kasalanan mo rin 'to dahil wala kang kwentang bantay! Wala ka sigurong in

