ISINUOT ko ang itim na coat at humarap sa salamin. I should just spare this evening because it’s my father’s birthday, pero hindi ko maalis sa isip ko ni sandali ang ilang bagay na nadiskubre ko nitong mga nagdaang araw. And how could it be possible especially tonight? Siguradong magkikita kami sa party ni Xavi. Naroon din pihado si Solde. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Gusto kong kausapin si Solde, pero anong sasabihin ko sa kaniya? Rather how would I ask her about it? Nasa Buena-Can na siya bago pa man kami magkakilala. Malamang na noong una ay nagtaka rin siya kung bakit iisa ang mukha ni Xavi at ng nasira niyang asawa. Alistaire Aguilar. Gilmar was not joking. Magaling na arkitekto ito noong nabubuhay pa at isang international competition ang pinanalunan nito. How could

