XAVI was astounded. Ilang beses siyang napakurap at tila hindi alam ang isasagot. "Ano? Okay ka ba bukas?" ulit ko. “Are you... inviting me to come to your house?” paglilinaw niya. Tumango ako. “During lunchtime sana. O kung saang oras ka mas convenient. Magluluto ako.” “Wait! Does it mean..? Am I going to meet your son tomorrow? Iyon ba ang gusto mong sabihin?” Hindi makapaniwalang tanong ni Xavi. Halata ang saya sa mukha niya. I nodded. “Gano'n na nga.” “Finally!” sambit niya at akmang hahawakan ako, pero pinanlakihan ko siya ng mga mata. Ang lapad ng ngiti ni Xavi. “Hindi ko alam ang sasabihin! You don't have an idea how you make me happy tonight, Solde! Pupunta ako. Umaga pa lang nasa inyo na ako.” I smiled. “Okay.” Nasa iisang mesa kami nina Mr. Candelaria, Jordan, Xavi at

