Kabanata 37

2969 Words

NAGPASALAMAT ako nang tanggapin ang isang baso ng tubig na inabot ni Jordan. Nakaupo ako sa sofa sa aming living room. Sa puno ng hagdan ay tahimik na nakatayo si Harlene, larawan ng pagtataka ang mukha habang nakatingin sa’kin. Gising pa talaga ito at siyang nagbukas ng pinto nang dumating ako hatid ni Jordan. Bakas pa marahil sa mukha ko ang pag-iyak bukod pa sa dress ko na may mantsa ng wine kaya ganoon ang reaksiyon ng kasambahay. “Matulog ka na, Harlene. Ako na ang bahalang magsarado ng pinto at gate.” “Sige po, Ma’am. Good night.” Bahagya rin itong nagyuko ng ulo kay Jordan bago umalis upang pumasok sa kwarto. Umupo si Jordan sa pang-isahang sofa. Pinilit ko naman ang sarili kong inumin ang tubig na bigay niya. Sa gilid ng mga mata ko ay alam kong pinanonood niya ako. I am thank

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD