“NEGATIVE, Sir Ali. Hindi sila lumalabas ng opisina nila,” imporma sa’kin ni Hector na nasa kabilang linya. Nasa harapan siya ng building kung saan ang opisina ng mga Montoya at nagbabantay sa galaw ng mag-ina. “Okay. Katatapos lang ng meeting. Pabalik na'ko sa office. Higpitan mo lang muna ang pagbabantay, Hector at mag-iingat ka." “Yes, Sir.” Ibinaba ko ang cellphone at dire-direchong naglakad hanggang sa paradahan ng sasakyan. Nasa likuran ko ang driver na si Joey. Pagdating sa kotse ay sumakay agad ako. Maya-maya lang ay umaaandar na kami. Nasa kalye na kami nang binuksan ko ang cellphone ko at dinala sa application na nakakonekta sa mga CCTVs ng mansion. "Lagi mo lang tatandaan, Ali, hindi magsasayang ng oras ang kaaway. Kaya unang araw pa lang, tiyakin mong nakabantay ka na."

