“ANONG ibig mong sabihin na wala? Naka-leave ba siya sa trabaho?” Si Ali ang una kong hinanap pagdating ko sa opisina nila, pero umalis daw ito ayon sa receptionist. Sunod kong itinanong ang assistant na si Kaye. Ilang umaga nang hindi nagpapakita ang babae sa bahay. Bagaman hindi ko talaga gusto na lagi siyang nakadikit sa asawa ko, nabantuan pa rin ako ng pagdududa dahil hindi ko nga siya nakikita. Ayoko namang tanungin si Ali. Baka isipin niya na masyado akong mausisa sa mga taong nakapaligid sa kaniya sa opisina. “No, Ma'am. Pinaalis na po siya ni Mr. Aguilar dito sa opisina.” Natigilan ako sa isinagot ng receptionist. Pinaalis? Bigla akong may naalala. Hindi ba’t pinaalis din ako noon ni Xavi sa main office ng Buena-Can? Akala ko nga ay hindi na kami magkikita, pero ‘yon pala ay b

