Kabanata 8

2517 Words
DAHAN-DAHAN akong kumalas ng yakap kay Sir Xavi. Hindi ko magawang tumingin nang derecho dito. Kung bakit naalala ko na naman si Alistaire nang makita ko siya kanina. At dala rin ng matinding takot kaya hindi ko napigilang yumakap. “Sorry, Ma’am Solde! Hindi ko alam na narito ka pa.” Narinig ko ang sinabi ni James kaya napilitan akong mag-angat ng mukha. Umiling ako at bahagyang ngumiti. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Sir Xavi. Napilitan akong tingnan siya para sumagot. “O-okay na ‘ko…” “Are you sure?” tanong pa ulit niya sabay hawak sa aking mukha. Natitigilan akong tumingin sa kaniya. Kalahati ng isip ko ay nasa mainit na mga palad na nakasapo sa aking mga pisngi. I nodded after a few seconds. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Sir Xavi. He’s not wearing his eyeglasses kaya nakita ko kung paano niya arukin ang katotohanan sa aking sagot. Lumunok ako subalit, nanginig lang ang mga labi ko nang magbuka ng bibig. “You’re not,” he concluded. “James, kumuha ka ng tubig. Bilisan mo!” “Yes, boss!” At dali-daling umalis si James para sundin ang utos niya. Binitiwan ako ni Sir Xavi. Dinampot niya ang aking bag na hindi ko namalayang nahulog na pala sa sahig. Iniabot niya ‘yon sa akin at tahimik ko namang kinuha. Pagbalik ni James ay may dala na itong isang bote ng tubig. Kinuha iyon ni Sir Xavi at binuksan muna bago ibinigay sa akin. Maingat akong uminom sa bote. Hindi ko nga lang napigilan ang panginginig ng kamay ko na hindi ko alam kung dahil pa rin ba sa takot o sa ano. “Doon tayo sa office ko, Miss Aguilar.” Tumingin ako kay Sir Xavi nang marinig ang itinawag niya sa akin. Kahit umiiyak ako kanina, hindi nakaligtas sa pandinig ko na tinawag niya ako sa aking palayaw. “Magpahinga ka muna roon kahit ilang minuto bago umuwi. You’re driving, right? Hindi kita papayagang magmaneho sa ganiyang kondisyon mo. Unless it’s all right for you if I drive you home.” Hindi ko isusugal ang safety ko. Isang malagim na aksidente ang tumapos sa buhay ni Alistaire, and I know that he was not in the proper state when it happened. Ayokong may mangyaring masama sa akin. Hindi ko hahayaang maiwang mag-isa si Alfonso. Siya na lang ang meron ako at ako na lang din ang inaasahan ng anak ko. Hindi ko itataya ang buhay ko para lang makatakas sa nakakaligalig na pakiramdam na ito na dulot ni Xavi Buencamino. “Maya-maya lang ay uuwi na rin ako, Harlene. Anong oras natulog si Alf?” tanong ko sa aking kasambahay. Tumawag lang ako rito para ipaalam na naroon pa ako sa office - sa mismong office ni Sir Xavi. “Kanina pa bandang alas nueve natulog si Alfonso, Ma’am. Mag-iingat po kayo pag-uwi.” “Salamat.” Pinatay ko ang tawag at itinago na ulit ang cellphone sa bag. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong tumayo si Sir Xavi sa swivel chair niya at lumapit sa sofa kung saan ako naroon. “Your son seems independent. Hindi ka niya ba laging hinahanap?” Sa isang dulo ako nakapwesto. He occupied the other side. May isang metro ang layo naming dalawa. "Are you really asking me that? Hindi ba bawal mag-usap tungkol sa personal na buhay?" paalala ko sa kaniya. "It's not office hours so we can forget about the rules." Natahimik ako. Of course. Siya ang boss at madali sa kaniya na isantabi ang rules na siya mismo ang nagpasimula. “Hinahanap lang niya ako kapag hindi niya ako nakikita," sagot ko sa tanong niya. "I think my son is mature than his age because he is quick to understand our situation." “Close ba kayong mag-ina? Does he tell you everything?” Umiling ako. “Hindi ko masasabi. Tahimik at seryosong bata kasi si Alfonso. He was a jolly kid before, but he’s changed after his twin brother died.” “Kambal ang naging anak mo?” Tumango ako. Nakita ko ang halong pagkamangha at panghihinayang sa reaksiyon ni Sir Xavi. Malungkot akong ngumiti nang maalala ang mga anak ko. “They were always happy playing together. Nangarap pa ako noon na sila rin ang magiging mag-best friend paglaki nila, pero hindi na nangyari ‘yon dahil sa maagang pagkawala ng isa. I love them both. Mahal na mahal namin sila ng tatay nila. Kaya lang… gano’n talaga ang buhay. ‘Yong inaakala natin na sa atin, hindi pa pala.” “I’m sorry.” Hindi ako sumagot. May namuong bikig sa lalamunan ko. Makailang ulit pa akong kumurap para pigilan ang pag-iinit ng aking mga mata. Ilang sandaling katahimikan pa ang dumaan sa gitna namin ni Sir Xavi bago ako nagpasyang tumayo at nagpaalam na uuwi. “Kaya mo na ba talaga? I can see that you are still emotional.” “Kaya ko. Hindi ko hahayaang mapahamak ako dahil kailangan pa ako ng anak ko.” Natigilan sandali si Sir Xavi. Pagkatapos ay tumango siya na tila kumbinsido sa aking sinabi. “That’s right. Maswerte ang anak mo dahil nandiyan ka para sa kaniya. Me, I didn’t have the chance to meet my parents. I was told that I grew up in an orphanage.” Nagusot ang noo ko. “You were told? Bakit, hindi mo ba alam na sa bahay-ampunan ka lumaki?” Natahimik bigla si Sir Xavi. Tumikhim siya ng isang beses bago sinagot ang tanong ko. “Of course, I know about it. Mas naging malinaw lang sa akin dahil sa… kwento ng mga tao.” Tumango ako. Na-realize ko na kapag nag-uusap pala kami nang seryosong bagay, hindi ko nararamdaman ang nakakabulabog na kaba. As a matter of fact, I feel comfortable. Para bang ang tagal nang panahon na hindi ko nailabas ang saloobin ko at nang sabihin ko kay Sir Xavi ay gumaan bigla ang aking pakiramdam. Marahan akong nagbuga ng hangin at tipid na ngumiti. “Mauna na ako sa’yo.” “Sabay na tayong bumaba.” I stunned. I met his eyes and a sudden punch hit my chest. “Ihahatid lang kita sa kotse mo at uuwi na rin ako.” Pagdating sa bahay ay dumaan muna ako sa kwarto ni Alfonso. Tulog na tulog na ito. Tahimik kong inilapag ang aking bag sa paanan ng kama niya bago maingat na humiga sa kaniyang tabi. Niyakap ko ang natutulog kong anak. I closed my eyes. At kahit anong pigil ang gawin ko, hindi ko naiwasan ang makadama ng pangungulila sa yakap ni Alistaire. He used to hug me and our kids. Kasya kaming tatlo sa malalaking braso ni Ali. He was our protector. Sobrang nami-miss ko na siya. At kahit hindi magsalita si Alfonso, alam kong miss na miss na rin niya ang tatay niya. My heart is breaking for my son. My heart is breaking for the only love I had and lost. Maaga akong bumangon para maghanda ng aming almusal. I prepared Alfonso’s favorite omelette. Naghanda rin ako ng babaunin kong ulam at kanin pati na rin ng meryenda para hindi na ako magpapabili, Dinagdagan ko pa iyon para mabigyan ko rin sina Ate Mitch. Alas ocho y medya ay nasa parking lot na ako ng building. Namataan ko ang kotse ni Sir Xavi. Hindi ko alam kung kararating lang nito pero, sigurado akong hindi ulit ito magtatagal sa office. Nag-alis na ako ng seatbelt. Kinuha ko ang bag ko at ang isa pang bag na naglalaman ng mga baon kong pagkain bago bumaba. Pagkasarado ko ng pinto ng kotse ay nakita kong bumukas ang pinto ng driver seat ni Sir Xavi at bumaba ang lalake. He is looking at my direction kaya siguradong nakita niya akong naglakad papunta sa building. “Good morning.” Narinig ko ang bati niya dahilan para magrigodon na naman sa loob ng dibdib ko. Isang tipid na ngiti at bumati ako pabalik, pero derecho lang ang lakad ko hanggang sa hagdan. Sumabay siya sa pag-akyat. Gusto kong itanong kung nasaan ang driver niya dahil kagabi ko pa hindi nakita si Kuya Boy kaya lang ay sobrang lapit naman niya at nangingimi akong lumingon at magsalita. Nagsimula nga ulit manuyo ang lalamunan ko. “The scent last night is better. In my opinion.” Natigil ako sa paghakbang. Akala ko pa ay hindi ako ang kinakausap niya, pero sa akin siya nakatingin. At gaya ko ay nakahinto rin siya at nakaharap sa akin. Maaliwalas ang umagang iyon. Mas nakikita ko tuloy ang kagwapuhan ni Sir Xavi. He really looks like Alistaire. Minus the sunglasses and with facial hair, baka isipin kong siya talaga ang asawa ko. “M-may sinasabi ka ba?” tanong ko sa kabila ng pagsalakay ng kaba. Hindi ko kasi siya gaanong naintindihan kanina. “I was just saying that your perfume's scent last night is better than what you're wearing, now.” Nagusot lalo ang noo ko. Anong scent? Anong sinasabi niya? “What? Do you use the same brand of perfume this morning? Para kasing iba ang naamoy ko kagabi nang yakapin kita.” Naestatwa ako nang may ilang segundo. Bahagyang umawang ang mga labi ko nang makuha ang sinasabi niya. “U-uhm…" I cleared my throat. "I-it's not perfume. Nagpahid ako ng herbal oil sa batok ko kagabi. Iyon siguro ang naamoy mo.” “Herbal oil? What’s that for?” Hindi ako sumagot. Alanganing ngiti ang itinugon ko bago ko itinaas nang bahagya ang aking dalang bag. Napunta sa bag ang pansin niya. “P-pupunta ka ba ulit ngayon sa warehouse? Pwede ba akong makisuyo sa’yo?” He frowned. “Tungkol saan?” Tumingin ako sa aking bag. Tumingin din siya roon. Mula sa loob ay kinuha ko ang isang container na may lamang ulam. “I know you’re my boss, pero baka lang pwede. Ipapaabot ko lang sana ito kay Ate Lilian. Okay lang ba?” Pinagsisihan ko rin agad ang request ko kay Sir Xavi. Kaya lang ay hindi ko na nagawang bawiin iyon dahil nag-utos na agad siya kay James na pumunta sa warehouse para ihatid kay Ate Lilian ang ulam na ipinabibigay ko. Nahiya tuloy ako sa aming messenger kaya palihim ko siyang kinausap. “Malayo ang warehouse dito. Malaking abala sa’yo.” “Ayos lang, Ma’am. Pambawi ito sa nangyari kagabi. Hindi ko talaga kayo nakitang pumasok.” Napangiti ako. Mukhang hindi ko na mababago ang isip ni James. Kaya naman binilinan ko na lang siya na dumaan sa aking mesa pagbalik niya galing warehouse. Hindi umalis si Sir Xavi. Mukhang mas marami nga siyang dapat trabahuhin ngayong araw sa opisina dahil nasa mesa lang niya siya buong umaga. Pagbalik ni James ay ibinigay ko rito ang isa ko pang dalang ulam. Hindi ko naman alam kung saan kumain ng lunch si Sir Xavi dahil hindi ko siya nakitang lumabas. Ilang minuto bago ang aming coffee break ay nagpatawag ng meeting si Mr. Candelaria na dumating kaninang bandang alas dos. Naipon kaming lahat sa meeting room. Bumaba rin sina Ate Mitch at siya ang katabi ko sa upuan. Nakatayo naman ang mga lalake sa aming likuran. Ilang maliliit na issues sa loob ng opisina ang tinalakay sa amin ni Mr. Candelaria. Naglatag din ito ng mga karagdagang patakaran na makakatulong para mas maging productive ang mga empleyado. He also discussed the development of the company. Nagsimulang magkatuwaan ang mga tao nang sabihin nitong sa susunod na buwan ay magkakaroon ng official launching ceremony ang Buena-Can. “It will be a big day for our company. And shortly after that, another big day will come specially to our great man here,” nakangiting wika ni Mr. Candelaria at tumingin sa partner. Napatingin din ako kay Sir Xavi na nakaupo sa isang dulo ng mahabang mesa. He is frowning as he looks at his partner. Mistulang hindi alam ang sinasabi ng matanda. Nagising ang curiosity ng mga empleyado. Ilang taga itaas ang nagtanong kung ano ang tinutukoy ng may-edad naming boss. “I see that he hasn’t told you yet but I am talking about Mr. Buencamino’s wedding.” Natulos ako sa aking kinauupuan. Bumalik ang tingin ko kay Sir Xavi na ngayon ay wala na kay Mr. Candelaria ang mga mata kundi nasa aking direksiyon. He wears his formal expression. Hindi ko naman matiyak kung ano ang aking hitsura gayong pakiramdam ko ay may gumuhong kung ano sa kaloob-looban ko. It's like as if I want to cry over something. Narinig ko na lang ang palakpakan ang ilan kong office mates. Inalis ko ang tingin ko kay Sir Xavi na ngayon ay inuulan na ng pagbati para sa nalalapit na kasal nito. “Congratulations, Sir!” “Best wishes on your wedding day, Mr. Buencamino!” Doon na tinapos ni Mr. Candelaria ang meeting. Paglabas ng matanda ay sumunod na rin ang iba kong kasamahan. Nagsimula namang magtayuan ang mga nakaupo sa mesa. Parang nawala ako bigla sa aking sarili. Namalayan ko na lang na hinihila ako ni Ate Mitch. Gusto rin daw nitong batiin si Sir Xavi. Hindi ako nakapalag. Kahit gusto kong lumabas na ay hindi ko magawa dahil hinatak na ako ni Ate Mitch palapit sa aming boss. “Congratulations, Sir!” excited na bati ni Ate Mitch nang umalis ang ilang officemates namin sa harap ni Sir Xavi. Binitiwan ako nito kaya malaya kong naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng aking mga kamay. Isang maiksing tango ang tugon ng aming boss sa pagbati ni Ate Mitch. Tumingin siya sa akin pagkatapos. Hinihintay sigurong batiin ko rin siya. Pinilit ko ang isang ngiti. Alam kong may fiancee si Sir Xavi dahil sa kaniya ko mismo iyon narinig. At ayoko mang isipin ay hindi ko maitanggi na nalulungkot ako sa balitang iyon. “Congratulations…” Pagkasabi ko noon ay nilingon ko agad si Ate Mitch para yayain na sana, pero nakita kong nasa pinto na ito ng meeting room. Noon ko na lang din napansin na ako na lang ang natitirang empleyado sa loob. “Matagal pa ang kasal ko.” Natigilan ako sa akmang pag-alis. Nilingon ko si Sir Xavi. “A-ano ‘yon?” Tumayo si Sir Xavi at tumunghay sa akin. “They are just excited for my wedding, but it won’t happen in the near future. Nasa ibang bansa pa si Noelle. Saka pa lang namin pag-usapan ang tungkol doon kapag nakauwi na siya.” Natahimik ako saglit. Pakiwari ko ay lalong lumalim ang guwang sa aking puso. Ngayong buwan o sa isang taon pa man, walang pagkakaiba. Ikakasal si Sir Xavi sa babaeng mahal niya. I swallowed the small lump formed in my throat. “M-mabilis lang ang panahon, Sir. Hindi mo namamalayan, nandiyan na pala ang araw na hinihintay mo. Hindi ako sigurado kung nandito pa ako sa Buena-Can pagdating ng araw ng kasal mo kaya tama siguro na batiin na kita ngayon pa lang.” Hindi siya sumagot. Ngumiti na lang ako ng ngiting kaya ko at saka ako tumalikod at nagmamadaling lumabas ng office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD