Kabanata 43

3201 Words

INILAPAG ko ang dalawang tasa ng kape sa mesa bago naupo. Alas onse pasado na ng gabi, pero gising pa rin ako at kasalukuyang may bisita sa hotel room na aming tinuluyan nina Alfonso at Harlene. Halos kararating lang naman doon ni Jowell. Pagkatapos ko siyang tawagan para sabihing may nagmamanman na tauhan ni Chelsey sa aming bahay, dali-dali na rin siyang nag-book ng flight papunta rito sa Maynila. Si Jordan naman ang pinakiusapan kong kumuha kina Alfonso at Harlene sa bahay habang nasa biyahe ako galing Zambales. Laking pasalamat ko na available si Jordan. Kahit wala akong masyadong paliwanag kanina, naintindihan niya na kailangan ko ng tulong at kailangan ko ng isang taong mapagkakatiwalaan. "Tulog na ba ang pamangkin ko?" tanong ni Jowell bago nito damputin ang tasa ng kape. "Oo, na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD