NAKADANTAY ang isa kong palad sa aking tiyan habang pinanonood si Alfonso na pinapakain ang alagang aso. Lalo kong kailangang magpakatatag at magpakatapang ngayon hindi lang upang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kaniya kundi dahil magkakaroon na ulit siya ng kapatid. Dalawa na silang dapat kong alalahanin bukod pa sa tatay nila na hanggang sa sandaling iyon ay hindi ko pa rin nakakausap. Nilingon ako ni Alfonso. Nasasaktan man ako sa mga nangyayari, pinilit kong ngumiti para ipakita sa kaniya na magiging okay din ang lahat. Na wala siyang dapat ipag-alala. "Naiinip na yata si Nugget dito, 'Nay..." wika niya. Nabantuan ang ngiti ko. "Baka nga, anak. Pasensiya ka na, ha. May mga kailangang lang ayusin bago tayo bumalik sa bahay natin." Hindi na ito kumibo at itinuloy na ang paghi

