“XAVI!” Tinakbo ni Noelle ang distansiya sa akin. Akma niya akong yayakapin, pero napigilan siya ng dalawang bantay na mabilis ding nakasunod sa kaniya. Pumiglas siya. "Ano bang problema n'yo? Hindi ko siya sasaktan!" "Pwede n'yo na siyang bitiwan," sabi ko sa dalawa. Ilang sandali pa ay hinayaan na ng mga bantay si Noelle. Pumwesto ang mga ito ilang metro mula sa kinaroroonan namin. Umupo na ako. Umupo naman si Noelle sa tapat ko. “I’m glad you’re here, Xavi!" nakangiting sabi niya. "Gusto talaga kitang makausap.” I nodded. “Gusto kitang kausapin kaya ako bumalik. Marami ka pang dapat linawin at una na riyan ang kaugnayan mo kay Chelsey.” “Xavi, maniwala ka. Ginamit lang ako ni Chelsey para maitago ka niya. Sinunod ko lang ang mga utos niya.” “Nasa’n siya? Alam kong nagtatago na

