MAYBELLE "Aww. You really are sweet Jordan. Thank you." napasimangot naman ako nang marinig yung sinabi ng girlfriend ko. Eh di si Jordan na yung sweet. Tse! Magsama kayo. Parang wala ako dito kung makapaglandian sila ah. Eh yan naman yung gusto mo diba Maybelle? Diba sabi mo gusto mong maging masaya si Jordan? Ayan, masaya na sya o. Pero wag naman sa harap ko diba? Eto kasing magaling kong pinsan eh, ang daming alam sa buhay. Ang sakit-sakit na ng mata at tenga ko dahil sa dalawang kasama ko. Ganito pala yung nararamdaman ni Klarisse kapag may ibang nagpapasaya at umaaligid kay JT. Kaso hindi naman ako pwedeng mag-inarte kasi ako din naman yung dahilan kung bakit sila magkasama ngayong dalawa. "Uy Maybelle, okay ka lang ba?" nakangiting tanong sa akin ni Jordan. Nandito kami ngayon s