MAYBELLE "Kaya mo talaga?" nag-aalalang tanong sa akin ni Charity habang nandito kami sa location ng shinoo-shoot namin na serye. Alam kasi nilang lahat na ngayon na yung araw na sasabihin ko kay Jordan yung totoo. Na girlfriend ko na si Clarence kaya kailangan na nyang itigil yung ginagawa nyang panliligaw. Dalawang araw ko na rin kasing hindi nakakausap at nakikita si Clarence after nga nung incident dun sa Star City. Alam kong kasalanan ko naman lahat kaya wala akong magawa kundi tanggapin yung ginagawang pag-iwas sa akin ng girlfriend ko. Sabi nga nya, pwede ko lang syang puntahan kapag nasabi ko na kay Jordan lahat-lahat. Ang nakakainis kasi sa'kin, ilang beses ko ng tinry na kausapin si Jordan kaso palaging epic fail. Tulad nung isang araw, sasabihin ko na sana kaso bigla kaming