TWO YEARS LATER AMBER’S POV “Good morning!” masiglang bati ko sa security guard habang papasok sa WYNONA building na dating kilala bilang ND company. Ako ang tumayong chairman at CEO—ibig sabihin pagmamay-ari ko ang kompanya. Bakit WYNONA? Pangalan sana ito ng magiging anak ko kung nabuhay lang siya. Sa loob ng dalawang taon ay hindi naging madali sa akin ang lahat. Napuno ng galit ang puso ko. Higit kong sinsisi ang sarili ko. Kung sana sumunod ako sa sinabi ni Kitty, kung sana hindi ako na nanood ng news, kung sana pinrotektahan ko ang aking tiyan laban sa mga nambugbog sa akin. Maraming sana. Matagal akong nalugmok. Na-trauma ako sa dinanas ko. Hindi ko kayang harapin ang mundo. Lagi na lang maririnig ang pagpalahaw ko ng iyak habang nagkukulong sa kwarto. Wala akong gustong kausa