WYATT’S POV NAPABUNTONG-HININGA ako nang makita na wala si Amber sa opisina. Bago pumasok ay nagtanong muna ako sa sekretarya niya kung nasaan siya at ang sabi ay nasa conference room siya dahil may meeting. Hindi ko pinagsisihan na binigyan ko ng kompanya si Amber para may mapaglilibangan siya. Nakatulong ito ng malaki para makabangon siya pero ang kapalit ay lagi siya naging busy. Halos wala nang oras sa akin. Umuuwi at umaalis ako ng bahay na papeles pa rin ang hawak niya. Nakakapagod ang dalawang taon na nagdaan. Kailangan kong magpakatatag dahil sa lakas ko kumapit ang ina ko at si Amber. Hindi ako pwede panghinaan ng loob. Hindi ko pwede ipakita na nasasaktan ako kahit para akong pinagsakluban ng langit nang malaman na buntis pala si Amber at nakunan. Higit kong sinisisi ang sar