AMBER’S POV “Kidnapping itong ginagawa mo.” Napangiti ako sa sinabi ni Wyatt. Kasalukuyan kaming naka-check in sa isang sikat na hotel sa Bacolod—noong nakaraang linggo pa ako nakapagpa-reserve plane ticket at hotel room. Isang gabi lang kami mananatili dito dahil kinabukasan ay pupunta kami sa isang private resort sa Sipalay. Hindi kasing sikat gaya ng Palawan at Boracay ang naturang beach resort pero white sand at asul din ang dagat. Hindi rin matatawaran ang tanawin ng magandang kalikasan. Nakapunta na ako doon noong unang balik ko mula sa America. I fell in love with the place. Tahimik. Hindi gaanong crowded. Nanatiling birhen ang lugar. Pinagplanuhan ko talaga ang lakad namin na ito. Kagabi ko pa hinanda ang mga dadalhin namin. Hindi niya lang nakita ang bag dahil isinilid ko loo