AMBER’S POV TAHIMIK namin na pinagmamasdan ni Wyatt ang napakagandang kalikasan. Walang nangahas na magsalita ang isa man sa amin dahil baka masira lang ang napakagandang mood. May pagkain at beer in can sa gitna namin—pinahatid ni Mrs. Shintaro. Katatapos lang namin kumain. Namangha pa nga si Wyatt dahil buong akala niya kasi ay conscious ako sa diet. Nagulat nga rin ako sa pinapakita kong gana. Simula kasi nang magpunta ako sa Amerika ay nasanay na ako sa magulo at nagmamadaling buhay. Very unhealthy ng lifestyle ko. Walang sapat na tulog. Laging nalilipasan ng gutom lalo na kapag may malalaking event na sa hair and makeup preparation pa lang ay umaabot na ng ilang oras. Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling na-satisfied sa pagkain. Siguro isa din sa dahilan kung bakit na